Netizens nagbahagi ng 'signs na umahon na ang buhay' nila; Realizations sa trending na TikTok post

Isa sa mga pangarap ng karaniwang Pilipino ay ang maiangat ang buhay ng kanilang pamilya. Ngunit kailan mo nga ba masasabing unti-unti mo na itong natutupad?

Sa TikTok ay nagbukas ng usapan ang isang netizen sa pagtatanong kung ano ang senyales na nakaluluwag-luwag na sila sa buhay.

“Drop your signs na medyo umahon na buhay nyo kesa dati. Me: Hindi na bareta ginagamit namin sabon panghugas ng plato,” ani love_192803.

Komento ng ilang netizen, kung noon ay problema nila ang pambili ng ulam, ngayon ay klase ng ulam na lang ang iniisip nila.

Ang isang netizen naman, sinabing na-realize niya ito noong hindi niya na kailangang maghintay na magkaroon ng bisita para makainom ng softdrinks.

“Dati todo abang pa sa matitira ng bisita,” sabi ng isa.

“Hindi ko na kailangang magpanggap na may sakit para makainom ng Royal at Sprite,” tugon ng isa pa.

Sagot naman ni Myra C., “Hindi na kami ginigising pag umuulan dahil maayos na ang bahay namin.”

“Legit po iyan, same po. Mama ko po tuwing malakas ang ulan at may bagyo laging puyat baka kasi liparin yung bubong namin, at gising kami magdamag,” sabi naman ni Pepe.

Para naman sa isang netizen, ang sign na guminhawa na ang kanilang buhay ay noong hindi na nila kailangang gumamit ng calculator kapag namimili sa grocery.

“Legit! Kaya lagi ko sinasama Mama ko sa grocery ngayon, di na niya need tumingin sa price tag ng bawat bilihin,” sabi ng isa.

Sabi naman ng isang netizen, dahil sa pagbabahagi ng mga netizen ng kanilang karanasan ay napagtanto niyang marami na pala silang napagtagumpayang pagsubok.

“Dami kong narealize. Akala ko di kami nausad, minsan nasasabi ko palagi na lang ganito buhay namin pero nung nabasa ko to dami na pala namin nalagpasan thank you, lord, sana maging consistent naman kami na di maputulan ng kuryente,” aniya.

Nag-viral din ang reaction at realization post ni Astewrites na may mahigit 86K shares na dahil sa kanyang “”𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜 𝙣𝙜 instant 𝙣𝙤𝙤𝙙𝙡𝙚𝙨.”

Kayo, ano’ng ‘signs’ na umahon na ang buhay ninyo?  🙂

Post a Comment

Previous Post Next Post