Masayang ibinahagi ni Candy Pangilinan (o Maria Carmela Espiritu Pangilinan sa totoong buhay) ang ilang larawan at videos na kuha sa ika-19th birthday ng kanyang anak na may special needs.
Yes, disinuwebe na ang unico hijo ng aktres at komedyante at inspirasyon silang mag-ina sa mga netizens na sumusubaybay sa kanilang journey.
Sa ilang post sa Instagram ay makikita kung gaano kasaya ang birthday celebrant. Ang dami niyang bisita!

Sabi nga ni Candy, “January pa lang binabanggit na ang birthday. Nakita ang birthday ng mommy ko kaya naman nagka-idea.” Kaya’t sa dami ng kanyang inimbita, naging malaking selebrasyon na ito.
Kabilang sa mga dumalo ang kanyang unang therapist at ilang showbiz friends ni Candy gaya nina John Lapus, Cherry Pie Picache at Maricel Soriano.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pagdaos ng isang misa kung saan ang masayang celebrant ay gumanap bilang isa sa mga sakristan. Sa mga videos ay makiktang nagkaroon din ng programa at palaro.
Bumuhos ang maraming pagbati kay Quentin; gayundin sa inang naghahatid ng inspirasyon sa mga tao. Matatandaang noong nakaraang taon ay itinanghal na “Female Social Media Influencer” si Candy sa naganap na Catholic Social Media Awards 2021.
Napaluha si Candy nang inanunsyong siya ang Female Social Media Influencer. “It’s indeed a pleasant surprise from God. Thank you talaga. Nagulat ako. I’m sure po, ang nanay ko ang pinakamasaya dito, sa lahat ng awards na natanggap ko. Maraming-marami pong salamat. I hope we continue to pray for each other.”
So inspiring ka, Candy!
Hunyo ng taong kasalukuyan nang magtapos sa Grade 10 si Quentin.
Basahin: Candy Pangilinan’s son finishes Grade 10: ‘Quentin has taught me more than I taught him’
Ang kanilang YouTube channel ni Quentin ay tumanggap ng paghanga at suporta. “I really started a YouTube channel… it wasn’t really for me. I wasn’t there to teach or preach. Walang ganoon. I just wanted to send good vibes and be candid as possible.”
Lubos ding humakot ng paghanga ang dakilang ina sa matapang niyang paglalahad ng kaniyang journey kasama ang anak niyang may special needs sa isang episode ng Toni Talks na ibinahagi noong nakaraang taon.
