'Sa inyo' imbes na 'sa 'yo': Groom na nagkamali sa kaniyang wedding vow, kinaaliwan ng netizens

Viral sa social media ang kasal ng mag-asawa kung saan nagkamali ang groom sa isang bahagi ng kaniyang wedding vow para sa bride —  na kinaaliwan naman ng mga netizen.

Nakilala ang bagong kasal na sina John Paolo at Angel, at ang kanilang same day edit video ng Chinngoy Futol Photography ay mabilis na nag-trending online.

 

Sa video, makikita na binanggit ni John Paolo sa kaniyang wedding vow ang kaniyang mga ‘endearments’ kay Angelica, ngunit imbes na sabihin na “sa iyo”, naging “sa inyo” ang nasabi nito. Huh!?

Saglit na natigilan ang lahat nang biglang mag-“sa inyo” ang groom sa viral video na ikinatawa rin niya at agad namang itinama ang kanyang nabigkas.

“Angelica, taba, baby, love, at ngayon asawa. Yan yung mga tinatawag ko sa inyo, (natigilan) sa ‘yo. Sa inyo tuloy,” aniya na ikinatawa ng kanyang asawa at ng mga bisita. “Bloopers lang,” pagbawi naman nito agad kasabay ng tawa.

Ayon sa kaniya, nang marinig iyon ng kaniyang asawa ay napadilat umano ito.

“Napadilat siya and nag react kaagad ‘yung mga nasa groom’s men,” kuwento niya.

Oh kaya kayong mga ikakasal pa lang, basahing mabuti o bigkasin nang tama ang mga sasabihin ha nang hindi magkamali at hindi mapagkamalan na marami ‘sila’.

Pati ang aktor na si Luis Manzano ay napanood din ang nag-trending na video, “At dun nagtatapos ang kwento nila,” saad ni Luis sa kanyang IG stories.

Bumuhos naman ang samu’t saring komento sa newlyweds at kinaaliwan ang video. Sabi sa comments, “Laughtrip, kahit ilan beses ulitin.”

“Iba pala talaga epekto ng sariling vows hahahahaha”

“Mas naoffend ako dun sa “taba” kesa sa “sa inyo”.”

“Yare pag-uwi n’yan hiwalay agad.”

“Kumusta po si kuya? Kumusta yung kasal natapos po ba?”

May mga dumepensa naman sa groom at sinabing, “Baka nagkamali lang, walang ibig sabihin ‘yung “Inyo” tao lang s’ya nagkakamali at syempre may nerbyos din pag ikinakasal.” Tanungin n’yo pa ang mga naikasal na. hahaha

Seryoso na. Best wishes sa inyo!

Post a Comment

Previous Post Next Post