Nag-trending sa social media ang isang caramel cake na puno ng dedikasyon at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.
Noong Martes, nag-upload ang bakeshop ng larawan ng 10×14 inches na caramel cake nito na puno ng mahabang birthday message.
“Caramel cake 10×14 with dedication. Yes, there is such a thing, uhuh,” saad ng Pasteleria Manila na matatagpuan sa 27 Dexter Street., Project 8, Quezon City.

Ang bakeshop ay mayroong promo, ang mala-nobelang dedication sa lahat ng sulok ng cake — with no extra charge!
Ayon sa Pasteleria Manila, sanay na sila sa mga ganitong request kaya naman bihasa na sila sa pagsulat kahit pa may napakahabang mensahe sa kanilang best seller na caramel cake. Sa isang araw ay ay maaari silang tumanggap ng isang gawa na ganito ang request.
Kaya naman puring-puri ng mga netizen ang decorator dahil sa matiyagang paglapat nito ng pulidong dedication kahit sobrang haba. Napakasinop nga naman ng gawa!

Habang isinusulat ito, umani na ng mahigit 10,000 reaksyon, 1,9k comments at mahigit 6k shares ang Facebook post.
“This must cost 10 times the normal price. Labor & craftmanship.”
“Kudos to the decorator! If I did that my hands are going to cramp”
“Hindi ata dedication, that looks like more of an essay or story to me.”
“Thank youu Na amaze ako mahaba din yong naging dedication ko pero nagawa pa rin ng pasteleria”
“Pwede ba listahan ng utang on dedication?” hahaha

“MMKeyk”
“Kung hindi lang din ganito ka-creative magiging partner ko, salamat na lang sa lahat.”
“Dedication cake na may love letter, ok yang bagong gimik n’yo, dami n’yong mapapasaya.”
Ang cake ay isa sa mga pangunahing dessert kapag may mga selebrasyon o kaganapan – kaarawan, reunion, graduation party, anibersaryo, Araw ng Pasko, Araw ng Bagong Taon, at kung anu-ano pang okasyon.
Ang paghihip ng kandila sa cake para sa birthday wish ay karaniwang paraan ng pagdiriwang ng isang taong may kaarawan.