Janella Salvador emosyonal sa pamamaalam ng kanyang alagang pusa, 'Thank you for sharing your 17 years, Twinkie'

Nagluluksa ang Kapamilya star na si Janella Salvador sa pagyao ng kanyang alagang pusa na si Twinkie na may katandaan na.

Si Janella, na gumaganap bilang Valentina sa seryeng “Darna,” ay nagbahagi sa social media ng isang madamdaming post noong Lunes, Enero 16.

Nag-post siya ng dalawang larawan kasama ang kanyang pusa. Ang isa ay kuha noong siya ay pitong taong gulang pa lamang at ang isa pa ay kuha kamakailan lamang.

Basahin ang buong post ni Janella:

“The hardest part about loving animals is knowing that you’re bound to outlive them.

“That’s 7 year old me in February ‘06, proud and ecstatic to be holding my advanced 8th birthday gift from my mama.

“I found him at a petshop in Pasay and fell in love so fast that I didn’t want to leave him behind and wait for my birthday.

 

“He was the perfect cuddly gentle cat anyone could ever dream of. Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever,” malungkot na pagbabahagi ni Janella.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizens sa pamamaalam ng alaga ng aktres;

“I am truly sorry for your loss, Jea.”

“Awwwww huhuhuh hugs bb.”

“Condolence Ms. Jea what a relation to your Cat, love na love mo talaga mga pet ko.”

“17 yrs” is a blessing. Thank you for your life, Twinkie.”

 

“Condolences. Run free baby twinkie.”

“Condolence Janella Salvador. I understand it is hard right now cause one family is lost but what matter is that they leave so much memories which we can treasure in our lifetime.”

Basahin: Janella Salvador heartbroken sa pagkawala ng alagang aso na si Max, ‘I lost a partner in life’

Kamakailan lang ay nagluksa rin ang aktres sa pagkawala ng kanyang alagang aso at “partner in life” na si Max, na kasama niya noong una siyang lumipat sa sarili niyang tahanan at natutong maging independent.

Post a Comment

Previous Post Next Post