Nag-transform ang aktres na si Liza Soberano bilang isang Miss Universe queen sa tulong ng Pinoy-blooded social media sensation na si Patrick Starrr.
Ang aktres, na nasa Los Angeles, California, ay gumugol ng oras kasama si Patrick para sa isang makeup vlog kung saan sinuotan siya ng replica ng mikimoto crown ng Miss Universe pageant.
“It feels right. No, I’m just kidding. I feel very honored to be in your presence,” ani Liza sa simula ng video.

Kaya naman tila hindi makapaniwala ang aktres na naging bahagi siya ng vlog ng sikat na make-up artist nang i-share nito ang collaboration nila ni Patrick sa kaniyang Instagram story.
“Aghhhh!! It’s finally out!! Watching your videos has always been a habit of mine and now I’m on your channel! Pinch me, I must be dreaming,” caption ni Liza sa kanyang IG stories.
Ang aktres ay patuloy na tinutulak ng maraming netizens na sumabak sa mundo ng beauty pageant hanggang ngayon.

Matatandaan rin na ginampanan niya ang role ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach’s life sa Maalaala Mo Kaya.
Sinabi rin niya na nais niyang mag-focus sa kanyang acting career sa Los Angeles sa Amerika.
“I really wanna become an actress, like a world-class actress, but I’m just getting started with my music or singing career, so I’m signed in a music label in the Philippines called ‘Careless,’ and I’m actually also signed to a music label here in LA called ‘Transparent Arts,’ which is by like the Far East Movement boys. They’re really immersing me into the music industry, I’ve been training a lot here, I’ve been taking vocal lessons, acting,” lahad ni Liza.

Matatandaan na pumirma siya ng kontrata sa Careless Music na pinamumunuan ni James Reid.
“I’ve been training a lot here. I’ve been taking vocal lessons, acting,” ibinahagi ni Liza.
Kamakailan lang, napabilang din siya sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces”; isang international list na inilabas ng TC Candler at Independent Critics noong Disyembre 28.
Panooring ang makeup vlog ni Patrick Starrr: