Kulang sa GMRC? Netizens may mensahe sa mga ‘pasosyal' nga, bilasa naman ang asal dahil hindi gumagamit ng basurahan

Muling napag-usapan ang tungkol sa self-discipline, good manners at right conduct matapos magbahagi ng dalawang netizen sa Facebook kaugnay sa kanilang pagkadismaya sa mga naispatang basura.

Ang tinutukoy sa ilang larawang ibinahagi ng isang nagngangalang ‘Angelo”a ay ang kawalan ng mabuting asal ng isang mamamayan na afford umano na bumili ng may kamahalang produkto.

Naispatan niya kasi ang isang basyo ng pinag-inumang kape mula sa isang kilalang coffee shop, na aniya, matapos maubos ang laman ay basta-basta na lamang inilapag sa nadaanan imbes na naghanap ng basurahan na siyang tamang tapunan ng basura.

Hinaing ng nag-upload ng mga larawan, afford ngang bumili ng mamahaling kape ang may-ari nito, subalit “bilasa” naman umano pagdating sa tamang akto ng pagtatapon ng basura.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens na nakiayon sa nagbahagi nito. Kung wala umanong makitang basurahan sa paligid, maaari naman itong iuwi at saka itapon sa kanilang basurahan. Walang excuse. Usapang self-discipline kasi iyan.

“That’s why don’t go to Starbucks if you don’t know how to throw away the one you bought. Nakakahiyang ugali.”

“Itinuturo sa paaralan na kung wala kang makitang basurahan, i-uwi mo muna at doon mo itapon sa inyo, tutal naman, kalat mo naman ‘yan. Wala na talaga ng basic good manners and right conduct ng karamihan ngayon.”

Kahit nasaan ka pa, maaari mo namang isipin na ikaw ay bahagi ng komunidad na dapat nakikiisa sa kalinisan ng kapaligiran, ‘di ba? Hindi daspat ikatwiran na ‘ganoon din naman ‘yung iba.’ Sarili mo, sagot mo. Kalat mo, responsibilidad mo.

Samantala, ganito rin ang mensahe ng isa pang netizen na naaawa sa tagalinis ng tila isang condominium building sa Cavite.

Ayon sa post ni netizen Shai Ra, “Sana naman, sa nagkalat ng basura nila, itapon nyo naman sana direkta sa basurahan. Ang daming kalat nyan kanina, mga 2 garbage bag yata yun, lahat si Ate yung naglinis na dapat obligasyon nating itapon ng TAMA.

“AANHIN MO NGA NAMAN ANG KNOWLEDGE KUNG HINDI NAMAN MARUNONG NG TAMANG ASAL.” 😓🤷  #beresponsible #kindnessmatters

Bagama’t may tagalinis, hindi ito nangangahulugang okay lang ang maging salaula o balahura. Mukhang nagtatapon rin mula sa kanilang mga bintana ang ilang unit owners?

Sabi nga ng mga nagkomento, “True! Avail nila mag condo pero yung sense of cleanliness hindi.”

“Daig pa ng walang pinag aralan ang gumawa nyan parang walang isip pwede nman itapon sa tamang tapunan.”

“Meron kasi mga tao na nag-level up financially pero pang-squatter pa din ang mentality.”

Sabi nga, walang ibang magmamalasakit sa ating kapaligiran kundi tayo!

Post a Comment

Previous Post Next Post