‘Walang hindi kakayanin’: Jennica Garcia masayang nakabili ng aircon, water heater para sa mga anak

Naging emosyonal ang aktres na si Jennica Garcia dahil matapos ang ilang buwan ay nakabili na siya ng aircon at water heater para sa mga anak na sina Mori at Alessi.

“Nanay is getting emotional because I’m heading to the mall tonight to buy aircon and a water heater for our bathroom. Pagpahingahin na natin ‘yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paabutin ng isang taon,” sabi ni Jennica sa isang Instagram post.

“Hindi na rin ako ulit mag iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon. Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala nang antayan. Nanay got this kids! Buhat ko kayo lagi,” dagdag niya pa.

Samantala, nagpasalamat naman siya sa panganay na anak na si Mori dahil sa pagiging responsable nito. “You’re growing up really well, Ate Mori. I don’t know what it is that I did exactly for you to be the little lady that you are now.”

“You insist on doing the dishes when I come home from work. You tell me to sleep on the bed when you catch me with my eyes closed while sitting down when I’m supposed to study. You instruct me to get more sleep when I’m supposed to make breakfast for you and your sister because you can already make food for yourself and Alessi,” salaysay niya.

Masaya rin daw siya na nabiyayaan siya ng dalawang anak dahil alam niyang kapag wala siya ay nariyan sina Mori at Alessi para sa isa’t isa.

“Mahal na mahal kita Ate Mori. Walang hindi ibibigay sayo, walang hindi kakayanin. I am so grateful to God for blessing me with two children because I know that when I’m not around. You two have each other. Us girls… Alessi, you and me are going to be BESTFRIENDS for life.”

Post a Comment

Previous Post Next Post