Marami na namang pinasaya ang makulit na si Alex Gonzaga sa ginawa niyang nakaka-good vibes na pangangaroling.
Sabi ni Alex, magso-solicit siya ng pera na ipamamahagi niya sa mga taong nangangailangan ng tulong kahit tapos na ang Pasko. Kailangan daw na mangaroling siya para hindi masabing nanghingi lang siya ng pera.

Screenshot from Alex Gonzaga’s vlog
“Kahit tapos na ang Pasko kailangan tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon natin ng Christmas because Christmas is in our hearts,” aniya.
“Kailangan nating manolicit at kailangan nating mangaroling para maging legit ang panonolicit natin. Dahil ‘pag hindi tayo nangaroling, mukha lang tayong nanghingi ng pera,” patawang paliwanag ng star vlogger.
Dapat daw ay mga kilalang tao ang pangangarolinangan nila para siguradong magbibigay ng regalo at aginaldo…na kahit mismong si Emilio Aguinaldo ay kaya raw ibigay.
Kaya ang naisip nilang pangarolingan ay ang ilan sa mga Presidential at Vice Presidential candidates sa darating na 2022 National elections.
Bago magsimula ay ipinakilala ni Alex ang makakasama niyang “choir” na dili iba kundi ang nanay niyang si mommy Pinty at Uncle Jojo.
Nagpraktis muna sila ng kanilang mga Christmas carols na kakantahin na swak na swak para sa bawat kandidatong kakantahan.
Kabilang sa mga kinantahan nila ang vice presidentiables na si Buhay Partylist Representative Lito Atienza, Dr. Wille Ong, Senator Tito Sotto at Senator Kiko Pangilinan.

Screenshot from Alex Gonzaga’s vlog
Sa mga presidentiables naman ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo, Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao at Bongbong Marcos.
Game na game naman ang mga kandidato sa ginawang pangangaroling ni Alex at kasamang “choir.”
Sabi ni Alex, ang lahat ng malilikom niyang pera sa pangangaroling ay ibabalik niya sa mga tao at dadagdagan pa raw niya iyon.

Screenshot from Alex Gonzaga’s vlog
Totoo nga, dahil matapos ang pangangaroling ay namahagi sila ng mga bags na puno ng aginaldo na pang noche buena. Ang laman ng bawat bag ay nagkakahalaga ng P1,600. Umabot sa 200 bags ang naipamigay niya kaya naman puring-puri siya ng mga netizens.
Panoorin ang nakatutuwang pangangaroling ni Alex: