Bongga ang naging pasko ng ina ng aktor na si Edgar Allan “EA” Guzman na si nanay Sarrie.
Isang bago at magarang bahay lang naman ang surpresang Christmas gift ng anak sa kanya.

Screenshot from EA’s video
Ibinahagi ni EA sa social media ang video ng pagsurpresa niya sa kay mudra. Makikitang inalalayan niya ang ina habang bumababa sa kotse. Iyon pala ay nakapiring ang mga mata nito.
Nang makababa ay marahang inalis ni EA ang piring ni nanay Sarrie at itinuro ang magandang bahay sa kanilang harapan.
“Merry Christmas. Bahay mo,” sabi ni EA sa ina napahiyaw sa gulat at napaiyak sa labis na kaligayahan.
Nang medyo mahimasmasan na ang ina ay inilibot niya ito sa kabuuan ng bagong bahay.
Limang taon ding plinano ng aktor, na binansagang “Prince of Independent Movies” ang pagpapagawa ng bahay para sa ina.
Nagsisimula pa lang ang career niya ay iyon na talaga ang pangarap niya dahil matagal na rin silang nangungupahan ng bahay kasama ang mga kapatid at ina. Sa katunayan, ilang beses na niyang nababanggit sa mga interviews ang pangarap niyang iyon.
Noon ngang nakaraang taon, sa movie conference para sa pelikulang “Coming Home” bago pa magkaroon ng pandemya ay nabanggit niya na ipatatayo na niya ang pangarap na bahay para sa ina. Nauna na raw siyang nakabili ng lote na pagtatayuan niyon.

Image from EA Guzman
“Pangarap kong patayuan this year (2020) kasi ayokong mag-loan sa bangko, gusto ko sa sarili kong bulsa kaya nag-iipon pa kaya medyo na-delay ng konti. Gusto ko kapag itinayo ko may matitira pa rin sa akin kahit paano, ayoko ng all out,” paliwanag niya.
May plano na rin kasi silang lumagay sa tahimik ng nobyang si Shaira Diaz na pitong taon na niyang karelasyon.
At sa wakas nga ay natupad na niya ang pinangarap para sa ina. Aniya, hindi matatawaran ang kanyang saya sa nakitang kaligayahan ni nanay Sarrie.
“About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, ako naman, Ma,” ang caption niya sa video na ibinahagi sa Instagram.

Image from EA Guzman