Dinepensahan ni Angel Locsin ang kaniyang kaibigang si Kris Aquino laban sa akusasyon ng ilang bashers na ‘ninakaw’ umano ng huli ang mamahaling kuwintas ni dating First Lady Imelda Marcos.
Sa kaniyang Instagram story, ni-repost ni Angel ang isang artikulo kung saan binabalaan ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga nagsasabing suot ni Kris ang ‘nakaw’ na alahas ng pamilya Marcos.
May maikling caption ang Instagram story ni Angel na “She can afford to buy her own jewelry with her hard earned money. Thank you very much.”

Screenshot mula sa Instagram
May kaugnayan ito sa babala ni Sereno sa mga netizens na patuloy na nagpapakalat ng umano’y ‘fake news’ tungkol sa bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino at sa ‘ninakaw’ na kuwintas ni Imelda.
“Criminal case na po ang maaaring harapin n’yo sa pagbibintang na ginamit ni Kris Aquino ang alahas ni Imelda na ayon sa Supreme Court ay galing sa nakaw na yaman. Bangko Sentral ng Pilipinas at PCGG na po ang nagsabing imposible ito,” ani Sereno.

Imahe mula sa Facebook| Meilou Sereno
Nakiusap din ang dating punong mahistrado na ipaaalam kaagad sa kanila kung mayroon nagpapakalat sa social media hinggil sa nasabing ‘maling impormasyon’.
“‘Yung mga may resibo ng ganitong comments, paki-forward po by pm sa akin, and I will forward. Gawin po natin itong activity laban sa iresponsableng paggamit ng salita,” dagdag pa ni Sereno.
Matagal nang kumakalat ang naturang ‘fake news’ at ilang beses na rin itong pinabulaanan ni Kris.

Imahe mula sa teamangelph.com
Aniya, ang suot niyang kuwintas ay gawa sa cubic zirconia at silver, at hind sa diamonds gaya ng kay Imelda. Sa madaling sabi, paliwanag ng Queen of All Media, peke ito subalit mamahalin pa rin dahil isa itong Bottega Veneta.
“Enough! And the TRUTH is on my side – including credit card receipts,” pakiusap pa ni Kris Aquino.