‘Magandang influence’ umano si Herbert kay Ruffa, ayon kay Annabelle Rama

Tila boto si Annabelle Rama kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa kaniyang anak na si Ruffa Gutierrez; ito ay kung pagbabasehan ang reaksyon ng mataray na beteranang aktres at talent manager tungkol sa pagkakaugnay ng dalawa.

Ito ay matapos ang pahayag ni Bistek tungkol sa estado ng kaniyang lovelife at kung si Ruffa nga ba ang kaniyang girlfriend ngayon.

Imahe mula sa Okayy.net

“Sige, ganito na lang. Alamin n’yo muna kay Tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa. Ganoon na lang muna. Kayo na lang muna ang magtanong sa kanya,” sagot ng actor-politician sa pangungulit ng mga vloggers sa kaniya.

“So after this, puntahan n’yo si Tita Annabelle para malaman n’yo kung ano ang gusto niya para kay Ruffa,” dagdag pa ng dating alkalde na ngayon ay tumatakbong senador.

Nakarating naman agad ito kay Annabelle matapos sabihin sa kaniya ng publicist na si Jun Lalin ang katanungan ni Herbert.

Imahe mula sa The Filipino Times

“Gusto ko si Herbert dahil mabait siya. Guwapo at bright. Medyo maliit lang, pero okey lang,” diretsahang sagot umano ng nanay ni Ruffa.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na,” patuloy na kuwento nito.

Bukod dito, ang sipag daw ngayon ni Ruffa sa pag-aaral at tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review. Sa katunayan umano, kapag dumadalaw si Bistek sa kaniyang anak ay may dala itong mga libro para tulungan si Ruffa sa paggawa ng homework.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“Sino ba ang hindi matutuwa. Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagkasenador!” wika ni Annabelle.

Sa kabila nito, wala pang kumpirmasyon mula kina Herbert at Ruffa kung mayroon na nga silang relasyon ngayon.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal pa ang tweet ni Bistek tungkol kanyang TOTGA (the one that got away) na hinala ng maraming netizens ay patungkol naman kay Kris Aquino na naging karelasyon din ng aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post