Nangako ang CEO ng Apple Inc. na si Tim Cook na tutulong ang kaniyang kompanya para sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Odette sa mga bansang Malaysia at Pilipinas.
Sa isang tweet nitong Martes, Disyembre 21, tiniyak ni Cook na magpapadala sila ng tulong sa mga naging biktima ng ‘Odette’ (International name: Rai) para sa relief and recovery operations ng dalawang bansa.

Screenshot mula sa Twitter
“Typhoon Rai has caused so much devastation in the Philippines and Malaysia — so many families have lost so much. Apple will be contributing to relief, recovery, and longer-term rebuilding efforts,” ani Cook sa kaniyang tweet.
Nanalasa si ‘Odette’ sa bandang Mindanao at Visayas, partikular na sa mga rehiyon ng Mimaropa, Western Visayas, Central VIsayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga noong nakaraang linggo.
Nag-iwan ang naturang bagyo ng pinsala sa agrikultura na tinatayang nasa P162,878,949 at P225,307,000 naman sa inprastruktura. Maliban dito, mahigit 170 katao rin ang hindi pinalad na makaligtas habang nasa 38 pa ang patuloy na hinahanap.

Imahe mula sa Facebook| The Freeman
Kaugnay naman sa tweet ni Tim Cook, nagpasalamat dito si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao at nag-alok rin ng anumang maitutulong ng kaniyang kampo.
Sagot ni Pacquiao kay Cook, “Thank you for helping our country. If there is anything our team here in the Philppines can do to help you on the ground, we are at your disposal.”

Screenshot mula sa Twitter
Subalit maraming Pinoy netizens ang nagsuggest sa CEO ng Cupertino-based tech company na huwag nang ipadaan pa sa gobyerno ang kanilang magiging tulong at kung maaari ay sa opisina na lamang ni Vice President Leni Robredo.
“Thank you, Apple, for your pledge. Many Filipinos desperately need help. Maybe you can partner with the office of the Vice President. She has been on ground zero personally assessing the damage. Efficient and trustworthy office. No corruption. Salamat po,” suhestiyon ng isang netizen.

Screenshot mula sa Twitter
“This will undoubtedly be of great assistance to the Filipinos affected by the typhoon, but please collaborate with a trustworthy team known for transparency as well, such as the Office of the Vice President @lenirobredo @VPPilipinas,” dagdag naman ng isa pa.
Samantala, nangako na rin ng tulong sa Pilipinas ang iba’t-ibansa tulad ng Canada na magbibigay umano ng $3 million Canadian dollars (halos P120-M); China na magpapadala ng $1,000,000 (halos P50-M); European Union na maglalaan ng paunang tulong na €1.7 million (halos-M); at France na magbibigay ng €250 million (P14-B).