Ang pagbubuntis ang isa sa mga mahihirap na pinagdaraanan ng mga kababaihan. Hindi biro ang pagdadalantao sa loob ng siyam na buwan na kung magkaminsan ay may kaakibat pang komplikasyon .

Image from Pixabay
Isang babae mula sa Manitoba, Canada ang kumonsulta sa isang doktor dahil sa malakas na menstrual bl*eding, pero laking gulat niya dahil na-diagnose na siya may kakaibang uri ng pagdadalantao.
Ang fetus na dapat ay sa matris mabubuo ay nasa loob ng kanyang atay.
Ayon sa pediatrician na si Dr. Michael Narvey ng Children’s Hospital Research Institute, apatnapu’t siyam na araw na nang huling magkaroon ang babae ng “buwanang dalaw” at isinugod ito sa pagamutan nang makaranas ng walang tigil na pagdurugo sa loob ng labing-apat na araw.
“I thought I had seen it all but then a 33-year-old woman comes in with a 14-day history of menstrual bleeding and 49 days since her last menstrual period,” sabi ni Dr. Narvey.
Sa Tala ng National Center for Biotechnology Information, ang pagbubuntis sa atay ay “exceptionally rare.”
Mula 1964 hanggang 1999, labing-apat na kaso lang ng ectopic pregnancy sa atay ang naitala sa buong mundo.
Sabi pa ni Dr. Narvey, nakakakita sila paminsan-minsan ng fetus na nabubuo sa tiyan, pero ngayon lang daw siya nakakita ng pagbubuntis sa loob ng atay.
“This is what they found in the liver: baby,” saad ng doktor sabay turo sa fetal ultrasonography illustration. “She had an ectopic pregnancy in her liver.”

Screenshot from Dr. Michael navey’s TikTok video
“We see this sometimes in the abdomen but never in the liver. This is a first for me. I thought I had seen it all,” aniya.
“It’s possible though that if the egg and sperm unite and then travel the other way out the way of the ovary, they can implant in the peritoneum which is most common or wound up travelling up to the liver where they implanted there,” paliwanag niya.
Kinailangang ilaglag ang fetus upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng ina. Ang fetus ay hindi na nailigtas.

Screenshot from Dr. Michael navey’s TikTok video