Hindi pa man nauuso ang salitang “hugot” ay marami na ang pinaluha ng mga linyahan at eksena sa pelikulang “Sana Maulit Muli” nina Lea Salonga at Aga Muhlach.

Sana Maulit Muli poster
Isa sa mga maituturing na classic hugot film, taong 1995 noong lumabas sa mga sinehan ang highly-acclaimed romantic film na Sana Maulit Muli. Ito ay kuwento ng magkasintahang sina Agnes at Jerry na humarap sa hamon ng isang long distance relationship nang pumunta ang babae sa California.
Naging abala si Jerry sa kanyang trabaho bilang advertising executive habang si Agnes naman ay hirap na hirap masanay sa buhay niya sa United States. Bilang isang babae na palaging nakadepende sa kanyang long-time boyfriend, nahirapan si Agnes nang simulang iwasan ni Jerry na makipag-ugnayan sa kanya. Nagwakas ang relasyon nila nang malagay sa alanganin si Agnes at hindi niya makontak si Jerry.

Image via Sana Maulit Muli
Lumipas ang panahon, malayong-malayo na si Agnes sa dating siya; tagumpay, matatag, kayang-kaya nang mag-isa. Lumipad si Jerry sa US para hanapin siya. Isang hapon, habang palubog ang araw ay nakapag-usap nang puso sa puso ang dalawa.
Dito ay naganap ang iconic scene kung saan tinanong ni Jerry si Agnes, “Bakit ka nawala?” At sumagot si Agnes, “Hindi ako nawala, Jerry. Natauhan ako.”

Images via Sana Maulit Muli
Ang “Sana Maulit Muli” ay idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Ito ang ikalawang pelikula ng dalawa.
Sa isinulat ni Aga na “Love Letter To Lea“, inamin ng aktor na si Lea ang kanyang TOTGA (the one that got away) at ito’y humakot ng pansin sa social media.
“Lea was the one that got away. And she never knew. She never knew how she saved me. It was 1992 and I was at the very bottom of the industry. Walang-wala ako noon. Wala akong pera, wala akong career, but with ‘Bakit Labis Kitang Mahal’, I made my comeback. It was the right movie with the right girl at the right time. ‘Bakit Labis Kitang Mahal’ resurrected my career,” aniya.
“She never knew how much I loved her. It was a lifetime ago….To me, Lea was Sandy (Bakit Labis Kitang Mahal) — ethereal, aloof, unattainable; my heart’s very desire. Lea was Agnes—vulnerable yet remote, kind yet callous, constantly engaged in a battle of wills. And I loved Agnes and Sandy and Lea in equal measure,” dagdag pa niya.