Umani ng paghanga si MIss Universe Bahrain na si Manar “Jess” Deyani dahil kalmado niyang sinagot ang mga Pinoy pageant fans na nang-okray sa itsura niya sa isang larawan kasama ng ilang kandidata sa 2021 Miss Universe pageant.

Image from Miss Bahrain’s Instagram account
Sa Instagram, ibinahagi ni Jess Deyani ang larawan niya kasama ang Miss Universe candidates na sina Miss Universe Bolivia Nahemi Uequin, Miss Universe Chile Antonia Cristal Figueroa at Miss Universe Czech Republic Karolina Kokesova
Ipinost niya rin ang screenshot ng mga negatibong komento sa kanya ng mga Pinoy netizens.
Narito ang ilan sa mga komento:
“Bahrain, kaya pa today?”
“Parang andaming nilabhan ni Bahrain.”
“Bigyan ng Milo si Bahrain.”

Image from Miss Bahrain’s Instagram account
“Bahrain mag-enervon ka.”
“’Yung Bahrain parang pinilit sumali. Masama ata loob.”
“Pagod na si Miss Bahrain. Pauwiin na ‘yan.”
Mahinahon naman niyang tinanggap ang mga negatibong komento..
“I see so many bullies from these pictures. I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion or color. For the people who spread hate on social media – I have nothing but love for all of you. I hope that you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world’s stereotypes of beauty,” post niya sa instagram.
Pahabol niya, hindi raw siya handa nang kunan ang larawan na kinutya ng mga netizens.
Pinasalamatan naman niya ang mga nagbigay sa kanya ng suporta.
“Grabe kayo makalait kay Miss Bahrain. First time nila magkaroon ng candidate sa Miss U. Saka respect naman bilang tao. Muslim kasi siya kaya nag-a-adjust pa ‘yan sa mga sinusuot. Buong buhay niya nakasuot ng abaya. Irespeto naman sana natin.”
Samantala, gumawa si Miss Bahrain, ang kauna-unahang kinatawan ng naturang bansa para sa pageant, ng isang kasaysayan sa Miss U pageant.
Hindi siya nagsuot ng bikini sa swimsuit portion sa preliminary round ng kompetisyon.
Sa halip na bikini ay isang black jumpsuit ang suot niya.

Image from Miss Bahrain’s Instagram account