Itinuturing na bayani ng kanyang panahon ang isang Indian plastic surgeon na nagsagawa ng 37,000 operasyon para sa mga taong may cleft palate at cleft lip.

Imahe mula kay Subodh Kumar Singh | Facebook
Lumaki sa isang simpleng tahanan sa Varanasi, India, humarap sa maraming hamon habang lumalaki ang ngayon ay itinuturing nang bayani na si Dr. Subodh Kumar Singh. Ito ang naging inspirasyon niya para tumulong sa mga nangangailangan nang maging isang ganap na surgeon na siya.
“My childhood gave me the strength to build resilience and develop an understanding for people who undergo a daily struggle,” pagbabahagi ni Singh sa The Better India. “The hardships made me perceive their emotions and relate to them. Becoming a doctor put me in a position to help many. I wanted to make the lives of the less privileged people better.”

Imahe mula kay Subodh Kumar Singh | Facebook
Nang makita kung gaano kahirap ang kondisyon ng mga may cleft palate at cleft lip, sinimulan niyang mag-organize ng mga libreng medical para sa mga batang mayroon ng nasabing kondisyon. Sa kalaunan, ang kanyang mga ginagawa ay napansin ng Smile Train, isang global initiative na naka-focus sa cleft surgery, at tinulungan siyang makahanap ng mas marami pang matutulungan.
“These babies cannot access milk as required. Many die due to malnourishment and often have their growth stunted. The children find it difficult to use the tongue to speak, causing speech problems,” ani Singh. “The children often drop out of school due to their speech or being bullied. They find it challenging to seek jobs or find acceptance. On many occasions, the mother is blamed, cursed and abandoned for conceiving a child with a cleft lip. It also has psychological effects on parents. But surgery can solve it all.”

Imahe mula kay Subodh Kumar Singh | Facebook
Simula 2004, libo-libo na ang natulungan ng surgeon. Bukod sa mga bata, nag-oopera rin ang doktor ng mga matatanda na nangangailangan ng tulong niya. Tunay siyang kahanga-hanga!