Tuluyan na ngang umatras si Senator Bong Go sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente ng bansa nang personal siyang magtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para pormal na ihain ang kanyang withdrawal.
Sa Instagram, sinabi ng entertainment columnist na tila dahil sa kaibigang aktor na si Philip Salvador ay natuto nang mag-drama ng senador.

Screenshot of Lolit Solis’ Instagram post
“Nakita mo ba Salve iyon ginawa ni Bong Go? Dahil yata sa bff niyang si Phillip Salvador natuto na rin ng drama si Bong Go, hah hah. Imagine mo dumating sa Comelec office nang nakasakay sa taxi para iurong ang candidacy niya sa Presidency. Bongga di ba, na sa dami ng sasakyan na puwede gamitin , taxi pinili niya. Buti na lang at hindi jeep o tricycle ha, kundi talagang pang Lino Brocka eksena hah hah hah,” post ni Nay Lolit.
Aniya, tawa raw siya nang tawa habang pinanonood ang balita tungkol sa pag-atras ng senador. Hindi raw niya mawari kung drama o comedy ang gustong iparating sa publiko ni Sen. Bong Go.
Matatandaang noong Martes, December 14, ay inanunsyo ng senador ang pormal niyang pag-atras. Wala umanong nakakaalam, kahit ang driver niya, sa pagpunta niya sa Comelec dahil nag-taxi lang siya.
“Wala pong nakakaalam. Ni driver ko hindi alam, sumakay lang po ako ng taxi. Kay PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) matagal na kami nag-usap. Sabi ko lang po right timing at pinapaintindi ko sa aking supporters ang aking pag-withdraw,” pahayag ni Sen. Bong Go.

Image from Comelec spokesperson James Jimenez
Maging si Pangulong Duterte ay pormal na ring iniatras ang kanyang candidacy for senator.
Ikinatuwa naman ni Bongbong Marcos (BBM) at pinuri pa si Bong Go sa pag-atras nito, pero nanghinayang siya sa ginawang pag-withdraw ni Pangulong Duterte.
Ang pag-atras daw ni Sen. Bong Go ay hudyat upang magkaisa ang lakas ng Duterte administration sa likod ng BBM-Sara Duterte tandem.
“The call for a unified nation is getting stronger by the day. The withdrawal of Sen. Bong Go from the presidential race reinforces this current and signals the consolidation of administration forces to the BBM-Sara UniTeam.”
”On another note, we are saddened by the unexpected withdrawal of President Rodrigo Roa Duterte from the Senate race. President Duterte has achieved so much for the country in a short period of time.”

Image from BBM-Sara Uniteam