Naaliw ang mga netizens sa mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nang i-post ng aktres sa Instagram ang isang maiksing video.
“Pikit” ang simpleng caption ni Heart sa video na kinaaliwan ng mga followers niya.

Screenshot of Heart Evangelista’s Instagram post
Makikita sa video ang mag-asawa habang nasa loob sila ng isang store ng mga luxury items.
Habang minamasdan ni Heart ang isang mamahaling wristwatch na naka-display sa eskaparate ay biglang tinakpan ni Chiz ang mga mata niya. Labis iyong kinatuwaan ng mga followers nila sa socila media.
“’Yung ang gastos ng asawa mo hahahhaha bawat dadaanan na store need mo takpan ‘yung mata hahaha.”
“Her husband: “babe close your eyes muna.”
“’Wag dumilat hanggang makalabas.”
“’Cute nyooo.”
“Ang cute naman ni Chiz.”
Matatandaang sa isang challenge game nilang mag-asawa ay inamin ni Heart kay Chiz na madalas siyang magsinungaling sa asawa pagdating sa kanyang shopping habits.

Screenshot from Heart Evangelista’s vlog
“Have you ever lied to me about shopping? I’m sure I know the answer,” tanong ni Chiz sa asawa sa ginawa nila noong “Never Have I Ever” game.
Kaya raw siya nagsisinungaling tungkol sa shopping habits niya ay dahil alam na niya ang magiging reaksyon si Chiz.
“Kasi nga alam ko magagalit ka. It’s not that magagalit ka, it’s not that it’s your money, obviously it’s my money, but I know that you want the best for me. I know that you always want me to save but you know, I love it, I’m sorry but I really love it and I feel like I can make bawi that’s why I do so many things on the side so I can make sure that I can buy it. So I paint, I accept this and that and stuff like that,” anang aktres.
Maikling sagot naman ang ibinigay ni Chiz sa sinabi ng asawa: “May hangganan lahat ng bagay, darling.”
Samantala, bongga ang panlilibre ng dinner na ginawa kamakailan lang ni Heart sa cast ng “Bling Empire,” ang reality show na mapapanood sa Netflix.
Sa mga hindi nakakaalam, si Heart, o Love Marie Payawal Ongpauco sa tunay na buhay, ay mula sa wealthy Ongpauco clan na may-ari ng Barrio Fiesta restaurant chain.

Image from Ace Bright