BBM pinuri at pinasalamatan si Direk Paul Soriano sa pagsama sa BBM-Sara caravan

Pinasalamatan ni Bongbong Marcos (BBM) ang movie director na si Paul Soriano dahil sa pakikilahok nito sa BBM-Sara caravan.

Si Direk Paul Soriano ay asawa ng aktres na si Toni Gonzaga. Si BBM ay isa sa mga ninong nila sa kanilang kasal.

Composite photos of Paul Soriano, BBM and Toni Gonzaga

Bukod sa pasasalamat, pinapurihan pa ni BBM ang movie director dahil napananatili umano nito ang pagiging fresh kahit na nabibilad sila sa araw sa ginawang motorcade.

“Salamat Direk Paul sa pagsali sa caravan! Ano ba ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?” post ni BBM sa Facebook kasama ang litrato nilang tatlo kasama si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kamakailan lang ay napag-usapan si Direk Paul dahil sa viral post ng movie director din na si Darryl Yap.

Sabi ni Direk Darryl, “kina-cancel” ng mga kapwa taga local showbiz industry ang asawa ni Toni Gonzaga dahil sinusuportahan nito si BBM.

“Kina-cancel si Direk Paul Soriano dahil ang pinili n’yang suportahan ay si Bongbong Marcos. Noong tiningnan ko kung sino-sino ang namba-bash, eh ‘yung mga taga-industriyang ang gusto nila sila lang ang tama, sila lang ang may ipinaglalaban,” post ni direk Darryl.

Image fr om Paul Soriano’s Instagram account

Sabi pa niya, kung sakaling dumating ang araw na wala na siyang pagkakaabalahan sana raw ay huwag siyang matulad sa mga artistang hindi rumerespeto sa paninindigan ng iba.

“Lord, kung sakaling balang araw, wala rin akong mapagkaabalahan… ‘wag mo sana akong gawing tulad nila… wala na ngang project, wala pang respect. Amen,” pasarkastikong sabi ni Direk Darryl Yap.

Matatandaang nauna nang binira ng mga netizens na ayaw kay BBM si Toni Gonzaga matapos niyang interviewhin ang presidential aspirant para sa kanyang vlog.

Samantala, sa resulta ng  pinakahuling survey na ginawa ng Publicus Asia, Inc., patuloy  pa rin ang pangunguna ni BBM sa mga napipisil ng publiko na maging susunod na presidente ng Pilipinas at ang ka-tandem niyang si Inday Sara naman ang nangunguna sa vice presidential race.

Image from BBM-Sara Uniteam

Post a Comment

Previous Post Next Post