Sa halagang P5K to P8K a month maaari nang magkaroon ng cute na modular house

Ang lahat ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, lalo na ang mga nagsisimula pa lang na bumuo ng masayang pamilya.

Subalit ang malaking halagang kakailanganin ay isa sa mga balakid para makabili ng pangarap na bahay.

Image from CUBO

Ngayon ay maari nang makabili ng isang cute na bahay na sapat para sa isang young professional o sa isang maliit na pamilya sa abot-kayang halaga na katumbas lang ng buwanang upa sa magandang apartment.

Sa pamamagitan ng CUBO na isang award-winning Filipino company na gumagawa at nagdidisenyo ng mga sustainable, dignified, at affordable na bahay na yari sa engineered bamboo house kits, puwede nang magkaroon ng bahay sa murang halaga at buwanang hulog na magaan sa bulsa.

Ang murang CUBO na kanilang ginagawa ay maihahalintulad sa mga cute na malilit na bahay sa American TV series na Tiny House Nation na mapapanood sa Neflix.

Ang modular na bahay at disenyo nito ay mao-order sa kumpanya at gagawin iyon sa kanilang manufacturing site bago i-deliver sa lote ng customer para doon i-assemble.

“We produce the houses off-site, deliver them on the project site by trucks, and assemble them very quickly. The main goal of CUBO is to help transition to sustainable building,” sabi ni Earl Fortales ang CEO ng kumpanya.

Image from CUBO

Ani Fortales, mabilis lang ang paggawa ng CUBO homes. Sa pamamagitan ng kanilang modular system ay maaaring isang buwan hanggang dalawang buwan lang ay buo na ang bahay, depende sa disenyo at laki ng bahay na ipinagawa.

“Usually, there are a lot of problems that can arise when you build for one or two years, but with our modular system, the construction period can only be as short as one to two months, depending on the site or the size of your CUBO home,” sabi pa niya.

Ibinahagi ni Ginooong Fortales na inilunsad nila ang kanilang Buhay CUBO Plan para matulungan ang mga nangangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Right now, we have them available between P5,000 to P8,000 per month.”

Image from CUBO

Post a Comment

Previous Post Next Post