Derek at Ellen planong ituloy ang honeymoon sa Africa sa kabila ng omicron

Plano palang ituloy ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna Ramsay ang honeymoon nilang dalawa sa Africa.

Ito ay sa kabila ng banta ng omicron variant na mas mabilis daw makahawa at unang na-detect sa South Africa.

Image from Derek Ramsay’s Instagram account

Ang plano ng mag-asawa ay sa second week ng January 2022 pumasyal at mag-safari sa Africa.

Sabi ni Derek, isasama nila sa pamamasyal doon ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias dahil once in a lifetime experience daw ang safari na maganda raw na maranasan ng bata.

“Gusto namin ma-experience ni Elias ‘yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito, e, na kung nandun na kami, tapos ‘yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias iyun. ‘Yung Safari, once mo lang gagawin ‘yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” sabi ng aktor sa isang interview.

Hindi raw nila maisasama ang teenager na anak ni Derek na si Austin dahil may pasok sa school.

Ikinasal si Derek at Ellen noon lang November 11, 2021 matapos ang kanilang whirlwind romance na ikinagulat ng marami nilang followers.

Kuwento ng aktor, walang ka-pressure pressure ang pagsasama nila ni Ellen.

Image from Derek Ramsay’s Instagram account

Pabiro pa niyang sinabi na ang pagsasama nila sa iisang bubong ay parang nasa loob lang daw sila ng Pinoy Big Brother house.

“Wala kaming away. Sobrang positive ang energy dito sa bahay. Parang Big Brother lang, ano? After the wedding, talagang smooth-sailing ang nangyayari sa amin ngayon,” sabi niya.

Ibinida rin niya na kahit noong nagpaplano sila sa kanilang kasal ay hindi sila nakaramdam ng stress kagaya ng kadalasang nararanasan ng mga couples na magpapakasal.

“Nagpaplano pa lang ng wedding, usually nagpi-prepare ka, nai-stress kayo, nag-aaway kayo dahil sa preparations. Pero sobrang relaxed talaga namin ni Ellen. Sobrang comfortable,” pakli pa ng aktor.

Itinanggi rin niya ang balitang nagdadalantao na ang misis. Sa Suaunod na taon pa raw nila planong magkaroon ng anak. Sa ngayon ay si Elias daw muna ang baby nila.

Image from Derek Ramsay’s Instagram account

Post a Comment

Previous Post Next Post