Labinlimang taon na ang showbiz career ni Enchong Dee at ipinagdiwang niya ang bagong milestone sa kanyang pagiging artista sa isang performance sa Sunday variety show na “ASAP Natin ‘To.”
Isang karangalan umano para kay Enchong Dee ang makapag-entertain ng mga tao sa loob ng 15 years.

Image from Enchong Dee’s video
Tanging pasasalamat daw ang kanyang nais ipaabot para sa mga tao at mga kumpanyang naniwala at nagbigay tiwala sa kanya at sa kanyang pangalan.
“It is an absolute pleasure entertaining people for the past 15 years… I have nothing but gratitude to all the people and the brands that have trusted me and my name in this roller coaster ride,” aniya.
Nais man daw niyang isa-isahing pangalanan ang lahat ng mga taong nakasama niya noon pa mang magsimula siya ng kanyang showbiz career, ang pinakamalaking pasasalamat ay ibinibigay niya sa sinumang bumabasa ng Instagram post niya dahil ang ibig sabihin niyon ay kasama sila sa kanyang selebrasyon ng bagong milestone sa kanyang showbiz career.
“As much as I want to enumerate everyone who’s been there from the start, I say my biggest thank you to the one reading this, because it only means you’re part of this celebration,” pasasalamat niya.
Para sa mga susunod niyang hakbang, nangako siya na ang lahat ng gagawin simula ngayon ay ang tunay na paglilingkod sa mga tao.
Napagtanto raw niya na ang genuine service ang nagpapaligaya sa kanya.

Image from Enchong Dee’s video
“So what’s next? Wherever I go or whatever I decide to do next… rest assured that I will be in the service of humanity. I realized that Genuine Service is what makes me happy and at peace,” aniya.
Si Enchong Dee ay ilang beses na ring pinapurihan ni Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang volunteer work sa Office of the Vice President (OVP).
Bukod umano sa pagso-solicit ng mga donasyon ay madalas pa raw magtungo si Enchong sa OVP upang magdala ng meryenda sa mga volunteers.
Natuwa rin noon si VP Robredo nang personal na dinis-infect in Enchong ang OVP.

Image from OVP