Dingdong Avanzado kinuyog ng mga bubuyog habang naglalaro ng golf

Nakaka-shock para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang maybahay, ang nangyari sa singer na si Dingdong Avanzado.

“These past 24 hours have been one of the most memorable and jarring experiences we’ve encountered as a family,” simula ni Jessa Zaragoza sa Instagram post tungkol sa nangyari sa asawa.

Image from Jessa Zaragosa

Kinuyog kasi ng mga bubuyog ang mahusay na singer habang naglalaro ito ng golf.

Nag-alala nang husto si Jessa dahil masamang-masama ang pakiramdam ni Dingdong nang umuwi ng bahay. Nagsuka raw ito. Iyon daw ang unang beses niyang makitang nagsuka nang grabe si Dingdong.

“During Dingdong’s golf game yesterday, he was stung by a swarm of bees. He drove home feeling really sick and nauseated. As soon as he got home, that was the first time I’d seen my husband throw up really bad,” lahad pa ni Jessa.

Nabahala rin si Jessa na baka makaranas ito ng anaphylactic shock dahil sa mga venom mula sa mga bubuyog na kumuyog sa asawa. Nasa 40 stings ng mga bubuyog ang nakita ni Jessa sa katawan ng asawa, partikular na sa likod nito.

“I got so worried he’d go into anaphylactic shock, due to the venom coming from the multitude of bee stings. I counted over 40 stings all over his body, the majority on his back, where it looks like the bees invaded his shirt,” sabi pa niya.

Image from Jessa Zaragosa

Noong una ay ayaw raw magpadala ni Dingdong sa ospital, pero tumalima ito nang ang anak na si Jayda ang nagsabi na dapat na siyang magpadoktor.

“I tried convincing him to go the hospital, Pero ayaw talaga. Buti nakinig sa Anak! @jayda. “Minsan pala kailangan din pagalitan ng anak yung tatay! Hahaha,” natatawang sabi ni Jessa.

Mabuti-buti na raw ang kalagayan ni Dinggong kahit may pamamaga pa sa isang mata at groge pa dahil sa epekto ng anti-tetanus vaccine.

Image from Jessa Zaragosa

Post a Comment

Previous Post Next Post