Eian kay Alexa: Maglalakbay patungo sa kung saan, kahit walang kasiguraduhan

Matapos lumabas ng Pinoy Big Brother (PBB) House, sinorpresa ng former housemate na si Eian Rances ang dati niyang kasama sa Bahay ni Kuya na si Alexa Ilacad.

Sa Instagram Story ng aktres, ibinahagi nito ang natanggap na isang kahon ng rosas na may kalakip na mensahe mula sa kanyang fellow celebrity housemate.

“Maglalakbay patungo sa kung saan, kahit walang kasiguraduhan, dala-dala ang napagkasunduan, na tayo lang ang may alam,” saad sa note na kasama ng mga bulaklak.

eian alexa

Makulay ang mga pangyayari sa loob ng bahay sa pagitan nina Eian at Alexa. Naging malapit ang dalawa ngunit sinubok din ang pagsasama, kaya naman hati ang reaksyon ng mga manonood nang malaman ang tungkol sa sorpresa ni Eian. Sa iba’t ibang social networking sites, naibahagi ang screenshot ng Instagram Story ni Alexa. May mga kinilig sa nakita, habang ang ilan naman ay nagpapayo kay Alexa na huwag hayaan ang sarili na mapalapit sa kanyang fellow housemate.

Samantala, mayroon din namang mga napaisip matapos mabasa ang mensaheng kalakip ng mga bulaklak. Matatandaan kasi na noong binigyan ng pagkakataon ang sabay na na-evict na sina Eian at Jordan Andrews, may sinabi ito tungkol umano sa planong pinag-usapan nila ni Alexa habang nasa loob pa siya.

“Lex, hintayin kita dito para sa plano natin. Take care of yourself, please,” saad niya.

As of posting, wala pang ibinabahagi ang sinuman sa dalawa tungkol sa planong tinutukoy ni Eian at kung ito rin ba ang tinutukoy niya sa note na ipinadala sa aktres.

eian alexa

Imahe mula sa Instagram account ni Eian Rances

Alexa masaya kahit napaaga ng labas sa  PBB house

Bagama’t hindi tinanghal na big winner, masaya pa rin si Alexa, lalo na at nang m si solo picture mula sa bahay ni Kuya at pinasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang PBB journey.

“I entered Pinoy Big Brother armed with nothing but my hopes and dreams, and I left the house gaining so much more! Each time I was saved during nominations, I had an inkling that there were people who were rooting for me. But I HAD NO IDEA just how much you all tirelessly moved heaven and earth for me until I finally got out. To say that I am overwhelmed with the outpouring of love is an understatement. Since Day 1, I have done nothing but show my true colors, and I am so very thankful to you for having my back and for loving me—the REAL ME—flaws and struggles and all,” saad niya sa isang lengthy post.

eian alexa

Post a Comment

Previous Post Next Post