Veteran broadcast journalist Julius Babao, nag-goodbye na rin sa ABS-CBN

Kumpirmado na ang naging usap-usapan nitong mga nagdaang linggo na isang beteranong broadcast journalist ang aalis sa ABS-CBN.

Ang tinutukoy ay si Julius Babao.

Image from Julius Babao

Ang post sa social media mula sa kapwa broadcaster na si Marc Logan ang naging pahiwatig sa napipintong paglisan ni Julius Babao sa higanteng TV network.

“Goodluck, Papa Julius,” post ni Marc Logan sa Facebook noong nakaraang linggo.

Ang kumpirmasyon ay nanggaling naman kay Karen Davila na matagal na nakasama ni Julius sa mga programa ng ABS-CBN.

“FULL CIRCLE  @juliusbabao has been my co-anchor the longest. He is not just a colleague but a friend,” bahagi ng Instagram post ni Karen Davila.

Ayon kay Davila, una silang nagkasama ni Julius Babao sa TV Patrol World mula taong 2004 hanggang 2010 kasama si Ted Failon. At sa Bandila noong 2010 hanggang 2019 kasama si Ces Drilon.

“So you can imagine, I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABS-CBN.” ani Karen Davila.

Sa kabila ng paglisan ni Julius Babao sa ABS-CBN ay umaasa pa rin si Karen Davila na muli pa rin silang magkikita dahil maliit lang naman daw ang industriyang ginagalawan nila.

“Kapamilyas come and go but our hearts remain bonded for life. I pray and believe for better times ahead for ABS-CBN. We are strong. Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli. Wishing you well Julius!” aniya.

Image from Karen Davila

Nagkomento naman si Julius sa Instagram post ni Karen.

“Great to see you again Karen! We will still see each other soon over coffee, lunch and dinners… I’m just a stone’s throw away from you!” wika ni Julius Babao.

Hindi pa malinaw kung saang TV network lilipat ang beteranong news anchor, pero may bali-balita na siya ang papalit kay Raffy Tulfo sa programang “Frontline Pilipinas” sa TV5.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kandidato sa pagka-senador sa darating na May 2022 elections.

Image from TV5

 

Post a Comment

Previous Post Next Post