Marami pa talaga ang tila hindi pa rin naiintindihan ang katotohanan na ang bawat isa sa atin ay ginawa ng Diyos na unique at espesyal na may iba-ibang katangian, kulay at hugis.
Para sa mga taong mapanghusga, ang mga may katawang sobrang taba o sobrang payat ay para bang walang puwang sa lipunan.
Tulad na lang ng ginawa ng ilang netizens sa asawa ng Filipino-Tongan actor-athlete na si Eric Tai.

Image from Eric Tai
Masayang nag-post noong Pasko sa Instagram at Facebook si Eric Tai ng larawan nila ng asawa at anak para batiin ang lahat ng Merry Christmas.
“From the bottom of my maskels, a safe and blessed merry Christmas to your family from mine,” post ni Eric na nakilala sa tawag na “Eruption” nang maging isa siya sa mga hosts ng noontime show na “It’s Showtime.”
Pero sa kabila ng pagnanais niya na maghatid ng Christmas cheers sa kanyang mga followers, ilang netizens ang nag-body shame sa asawa niyang si Rona, na isang plus-size model.
“Why bro, you can advise someone who can work out, but your wife you can’t teach her to be fit.”
“Pag-exercisesin mo naman ‘yung asawa mo, lods. Idamay mo naman siya sa pagka-healthy mo.”
Malumanay na sinagot ni Eric Tai ang mga judgmental na netizens at buong pagmamalaki na sinabing isa sa most sought-after plus-size models sa Pilipinas ang kanyang asawa.
“She’s one of Philippines most sought-after plus-size model. Actually one of the best. You’ll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM & many more advertisements, prints and commercials,” sagot ni Eric sa netizen.

Image from Eric Tai
Sa isa pang hiwalay na post, sinabi niya na “‘Pag mataba ka, hindi ibig sabihin unhealthy ka,”
Maraming social media users ang pumanig kay Eric Tai at nagpaalala na hindi tama ang body shaming.
Maging si Rona ay nag-post din sa kanyang Instagram account tungkol sa insidente. Sinabi niya na kahit maghapon siyang i-body shame ay hindi siya naaapektuhan.
Heto ang buong mensahe niya:
“To everyone that body shamed me on my husband’s recent Christmas post. My prayer for you is to find true & unconditional love. Not just from your significant other, but also from yourself.
Love yourself enough even if you’re going through something that you will see it’s beauty and strength despite it’s imperfection.
Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t phase me!”

Image from Rona Tai