Napuno ng saya at kilig ang Our Lady of Guadalupe Parish sa Villanueva City, Misamis Oriental matapos magpalitan ng “I Dos” ang gay at lesbian couple na sina Chikita at Gabgab Escoto kamakailan.
Sa ibinahaging prenup photos ng newly-wed couple, makikitang blooming in white gown si Chikita habang charming naman ang kaniyang kasintahan na si Gabgab sa suot nitong barong.

Imahe mula sa Facebook | Chikita Ssang
Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal ay si Gabgab na ang nakasuot ng white gown at siyang nagsilbing bride habang si Chikita naman ang groom at nakasuot ng coat and tie.
Sa isang panayam ng GMA News, nagsilbi umano nilang inspirasyon ang kanilang pitong buwang gulang na anak na naging bunga ng kanilang relasyon sa loob ng dalawang taon. Nagpasalamat naman sina Chikita at Gabgab sa ibinigay na suporta sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay.
Samantala, pinuri naman sila ng head of Social Action Center ng Archdiocese ng Cagayan de Oro na si Fr. Der John Faborada dahil sa ipinakitang paggalang at pagpapahalaga sa sakramento ng kasal.

Imahe mula sa Facebook | Chikita Ssang
Nagpaabot din ng kanilang pagbati at pagsaludo ang mga netizens sa bagong kasal dahil sa ipinakita nilang pagpapahalaga sa kasal.
“‘Yan ang tunay na may respeto sa sakramento ng kasal! Talagang nag-effort sa loob ng Church to keep the dress code proper for each gender na bigay ni God. Salute sa inyo, and best wishes,” komento ni Lia B.
Sabi naman ni Bie T., tila itinadhana talaga ang dalawa para sa isa’t isa. “‘Yan ang destiny…Congratulations to the both of you. Stay strong, stay faithful, and God bless you more.”
Ang isang netizen naman, ipinagtanggol sina Chikita at Gabgab mula sa mga negatibong komento.
“I don’t see anything wrong with this marriage….they love each other and they are man and woman so best wishes!!!”
Pinatunayan nga nina Chikita at Gabgab na hindi hadlang ang kasarian upang magmahal at mahalin. Congratulations and best wishes!
Panoorin: