Imahe ni Ninoy Aquino sa P500 banknote papalitan daw ng tarsier? Ayon sa BSP, fake news iyun

Isang larawan ang kumalat sa social media na nagsasabing ang limandaang pisong papel kung saan tampok ang imahe ni Benigno “Ninoy” Aquino ay papalitan ng bago at ang itatampok na larawan ay imahe ng Philippine tarsier.

“Aquino left the group. The official release of BSP in April 2022,”  ang caption sa viral post mula sa Arjay Angeles Channel; isang personal blog sa Facebook.

Imasge from Arjay Angeles Channel FB account

Kasama  ng P500 banknote na may tarsier ang larawan ng P1,000 banknote na may bagong disenyo ng Philippine eagle.

Sa Ann Nang Nann Show Facebook account ay may kaparehong larawan ng P1,000 at P500 banknotes at may caption na “Goodbye Aquino family. Eto na mga bagong design ng mga pera natin.”

Ishinare naman ng Pepe News Facebook page sa sariling FB wall ang post ng Ann Nang Nann Show.

Nagpasaring naman kay Vice President Leni Robreso ang Kamay na Bakal PH Facebook page.

“Bakit si Leni nasa 500?” ayon sa naturang FB account.

Ayon sa Philstar, fake news ang mga naturang Facebook posts.

Batay sa ginawa nitong reverse image search, makikita na ang tarsier na nasa P500 banknote sa mga FB posts ay isang royalty-free image na iginuhit ng Russian artist na si Evgeny Turaev. Makikita ito sa Dreamstime, isang online royalty-free microstock provider na nakabase sa Brentwood, Tennessee.

Image from Ann Nam Nann Show FB page

Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na fake news nga ang mga FB posts tungkol sa P500 banknote.

Ang fake news tungkol sa P500 banknote ay kasunod ng anunsiyo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan lang tungkol sa pagbabago ng disenyo ng P1,000 banknote.

Hindi na umano ilalagay ang mga imahe nina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos sa naturang salaping papel at sa halip ay ang imahe ng Philippine eagle ang ipapalit.

Matatandaang nagpahayag ang BSP noong December 11, 2021, na ang P1,000 banknote ang unang salapi sa bagong serye ng Philippine currency na magfo-focus sa mayamang flora at fauna ng bansa.

Image from BSP

Post a Comment

Previous Post Next Post