Get to know Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez: community development worker and a Philippine Navy Marine Reservist. Ito ang intro sa video na ibinahagi ng Miss Universe channel sa sharing platform na YouTube at sa Facebook.
Dito ay ibinahagi ng ating 26-anyos na pambato sa 70th Miss Universe pageant ang ilang personal na bagay tungkol sa kanya.

Aniya, siya ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang single mother. “I was raised by a single mom and she had quite a hard time managing our household.”
Makabuluhan umano ang naging papel ng volleyball sa kanyang buhay pagkat sa pamamagitan nito ay nakatapos siya ng high school at nakatuntong sa kolehiyo sa pamamagitan ng athletic scholarship.
“Being a part of the volleyball varsity team is not just something I take as an achievement, but it is something that really changed my life for the better because I was able to help my mom in some way and I was able to make her proud,” pagbabahagi niya sa video.
Ang kanyang alma mater ay ang University of San Jose-Recoletos in Cebu. Kinukuha niya ang kursong Bachelor of Arts major in Mass Communications ngunit napatigil muna dahil nagfo-focus siya ngayon sa community development work at sa pageantry.

Sa isang ulat na inilabas ng unibersidad ay sinabing: “In college, she studied at the University of San Jose-Recoletos and pursued a degree in Mass Communications. On the side, she also became one of the varsity players for volleyball. However, certain circumstances made her stop going to college. She expressed that she has plans to continue her studies and earn a diploma when circumstances allow.”
Bukod sa pagiging volleyball player, ibinahagi ni Beatrice na siya ay miyembro ng Philippine Navy Marines kung saan siya ay sumailalim sa mga physical trainings.
Sa pagtatapos ng kanyang video ay ibinahagi ng Cebuana beauty na siya ay nagpapasalamat sa suporta ng Pilipinas sa pagpapadala ng isang miyembro ng LGBTcommunity na para sa kanya ay isa umanong “big deal.”
Aniya, “It’s a big deal because we are here to give positivity and be an inspiration especially to the young children who are looking up to us — that they can be whoever they want to be when they grow up.”
Lumikha ng ingay sa kasaysayan si Beatrice bilang pinakaunang kandidata na miyembro ng LGBT na naputungan ng Miss Universe Philippines crown.
Makahahabol pa sa voting para sa ating PH representative. Magtungo lamang sa website ng Miss Universe 2021 at hanapin ang profile ni Beatrice Luigi Gomez. Your vote matters!
Makatutunggali ng ating pambato ang mahigit 70 candidates sa 70th edition ng Miss Universe na gaganapin sa Israel. Ating dalangin na sana ay masungkit niya ang pang-limang korona para sa Pilipinas!
Panoorin at i-like ang kanyang video sa Miss Universe channel via YouTube.
Samantala, maaari ring ipahayag ang suporta sa ating PH bet sa video na ibinahagi sa Facebook ng Miss Universe organization:

