'Magiging nanay na rin ako': Angeline Quinto umaming nagdadalantao

Sa unang pagkakataon, kinumpirma ng singer-actress na si Angeline Quinto na siya ay nagdadalantao sa anak nila ng kanyang non-showbiz partner, kasabay ng pagbabahagi ng kuwento sa likod ng kanyang Instagram post na, “A new life, chapter one.”

angeline quinto nagdadalantao

Screenshot mula sa @loveangelinequinto | Instragram

Sa recent episode ng The Purple Chair Interview, ibinahagi ni Angeline sa beteranong host na si Boy Abunda na siya ay kasalukuyang nagdadalantao sa panganay na anak nila ng kanyang kasintahan sa loob ng mahigit isang taon. Pag-amin niya, “Kaya ko po na-post ‘yon dahil kay Mama Bob (na yumao na) at pangalawa po kasi, magiging nanay na rin ako.”

“Next year, Tito Boy. April po (ako manganganak),” pagbabahagi pa niya. Ayon kay Angeline, Setyembre nitong taon nang malaman niyang siya pala ay nagdadalantao.

angeline nagdadalantao

Screenshot mula sa The Boy Abunda Talk Channel | YouTube

Nagkuwento rin si Angeline sa lalaking ngayon ay kasama niya nang naghihintay sa isang napakagandang biyaya.

“Nakilala ko siya, tito Boy, dahil kaibigan po siya ng boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila po. Non-showbiz po,” pagbabahagi niya. “Tapos, noong nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So ngayon, Tito Boy, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami.”

angeline quinto nagdadalantao

Screenshot mula sa The Boy Abunda Talk Channel | YouTube

Dagdag pa ni Angeline, sa simula pa lamang ng relasyon nila ng kasintahang hindi niya pinangalanan ay batid na niyang ito na ang kanyang “the one”.

“Ganoon pala ‘yon, parang alam mo agad,” wika niya. “Matagal na rin po kasi akong hindi nagkaroon ng relationship. Nagkakilala kami, Tito Boy, parang bago pa lang ang pandemic. So before nawala ang mama, na-meet pa niya si Mama Bob….Alam mo, tito Boy, parang ang tagal ko kasing na-miss ‘yung kiligin ako. ‘Yong hindi lang ako kinikilig dahil sa nanonood ako ng pelikula, kundi totoong nararamdaman ko siya. So ‘yon, parang ‘dun nag-umpisa po. Tapos hanggang sa sinabi niya naman din sa’kin, Tito Boy, ‘yong tungkol sa mga past niya. Kasi po, meron din siyang anak sa ibang babae.”

Well, ang mahalaga ay ‘yung ngayon at ‘yung masaya ka. Congrats sa new journey!

Post a Comment

Previous Post Next Post