'Pamaskong Handog na Bigas': 10 kilo para sa 7000 residente ng Barangay San Antonio

Bukod pa sa Pamaskong Handog grocery bags mula sa City Government of Pasig City, humigit-kumulang 7,000 residente ng Barangay San Antonio (BSA) ang makatatanggap ng 10 kilong bigas sa ilalim ng proyektong Pamaskong Handog na Bigas.

pamaskong handog bigas

Pamaskong Handog na Bigas para sa Brgy. San Antonio residents

Sa pamumuno ni BSA Chairman Raymond Lising, sinimulan nitong Disyembre ang Christmas initiative na naglalayong bigyan pa ng mas masayang Pasko ang mga residente.  Dito, namimigay ng sako-sakong bigas ang mga opisyales ng barangay bilang karagdagang biyaya para sa mga residente na nakatakdang makatanggap o nakatanggap ng Christmas package.

“The free high-quality 10-kilo sack of rice will be delivered right at their doorstep. Since there is still a pandemic, we deliver our free [sacks of] rice to our residents so that we can avoid crowding,” wika ni Lising.

Unang araw pa lamang ng Disyembre ay sinimulan na ng barangay ang house-to-house distribution ng mga sako ng bigas at inaasahang maipamamahagi ang mga ito sa loob lamang ng dalawang linggo.

“This is our own little way para ipadama ang Pasko sa ating mga kabarangay sa kabila ng pandemya,” saad ng opisyal.

pamaskong handog bigas

Image via Barangay San Antonio, Pasig | News release

Nasa mga residente rin kung gusto nilang ihatid sa kanila ang mga sako ng bigas na ito o mas nais nilang sila na mismo ang kumuha ng sa barangay hall. Kung ang nahuli ang kanilang pipiliin, kailangan nilang tiyakin na sumusunod sila sa mga health and safety protocols.

Samantala, bukod sa “Pamaskong Handog na Bigas”, ibinahagi rin ni Lising na ang BSA ay mayroon ding inihanda para sa senior citizens at barangay frontliners sa barangay.

“Other than the rice, we do have cash gifts for our seniors, Christmas bonuses, and grocery packs for our employees, as well as an online Christmas raffle draw for our employees,” aniya.

Pagbabahagi ng barangay official, tradisyon na ito bago pa man siya maging kapitan at ang programa ay nag-evolve na dahil sa increasing population sa Ortigas area.

pamaskong handog bigas

Image via Barangay San Antonio, Pasig | News release

Sa kanyang Christmas message, tiniyak ng kapitan na walang makapipigil sa Kapaskuhan ng kanyang mga nasasakupan.

“Lagi po natin iisipin na kahit may pandemya pa, tuloy ang Pasko sa BSA,” saad niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post