Dream house ipinatatayo na ni "Aling Maliit" Ryzza Mae Dizon

Ipinasilip ni “Aling Maliit” Ryzza Mae Dizon ang konstruksyon ng kanyang dream house na bunga ng kanyang mga pagsusumikap.

Sabi niya, super special  para sa pamilya niya ang ipinatatayong bahay kaya ibinahagi niya iyon sa kanyang vlog.

Screenshot from Ryzza Mae’s vlog

“Under construction na po ang aming dream house!!! Super special po sa amin to kaya nag-vlog ako,” masayang post ni Aling Maliit sa kanyang Instagram account na may kalakip na ilang litrato ng ginagawang bahay.

“Thank you po Lord sa blessing na ito,” sabi pa ng child star.

Mula sa kinatitirikan ng ipinatatayong bahay ay isang magandang tanawin ang masisilayan – ang Mount Arayat sa Pampanga, ang probinsyang kinalakhan niya.

Ikinatuwa ng mga dabarkads niya sa Eat Bulaga at iba pang showbiz friends ang bagong achievement na ito ni Ryzza Mae. Kabilang dito sina Pauleen Luna Sotto, Allan K at Joey De Leon.

“Ikaw na talaga Bibigurrrr,” sabi ni Allan K.

“Congrats bibi ghorl!” ang bati naman ni Pauleen Luna Sotto.

“Kaya pala UNDER THE CONSTRUCTION ka! Punta ka sa bubong para OVER! Ngek! Lumalaki na at siyempre mas gumaganda! Hi Ry!” sambit naman ni Joey De Leon.

Screenshot from Ryzza Mae’s vlog

Ilan pa sa mga showbiz friends niya na bumati ay sina Rocco Nacino, Rodjun Cruz, Lovely Abella at MJ Lastimosa.

Si Ryzza Mae ay unang nakilala noong 2012 nang manalo siya sa Little Miss Philippines contest sa Eat Bulaga.  Doon na nagsimula ang kanyang showbiz career.

Dahil sa pagiging bibo ay binigyan siya ng sariling TV program – ang The Ryzza Mae Show – kung saan ipinakita niya ang husay bilang isang host ng show. Tumagal iyon ng tatlong taon mula 2013 hanggang 2015.

Screenshot from Ryzza Mae’s vlog

Sa loob lang ng sampung taon sa mundo ng showbiz ay marami na siyang nilabasang pelikula at teleserye. Naging sunud-sunod din ang mga natanggap niyang pagkilala dahil sa kanyang pagiging natural sa pag-arte at pagpapatawa.

Bukod sa dream house na under construction, nauna nang nakapagpundar si Ryzza Mae ng townhouse sa Quezon City.

Image from Ryzza Mae’s Instagram account

Post a Comment

Previous Post Next Post