May birada si Senator Ping Lacson sa Bureau of Plant Industry (BPI) na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) dahil sa pagpayag ng ahensya na makapasok sa bansa ang strawberry mula sa South Korea.

Image from Senate PRIB
Kinuwestiyon ni Senator Lacson ang BPI kung bakit pinahintulutan nitong “sakupin” ng mga Korean strawberries at mga gulay ang bansa na lubhang nakaaapekto sa kabuhayan ng mga local farmers.
Tanong niya, bakit kailangang umangkat ng mga strawberry at carrot gayung may strawberry at carrot sa bansa?
Aniya, ang importasyon ng mga nabanggit na agriculturral products ay kumikitil sa lokal na industriya.
Dapat aniyang bigyan ng BPI at DA ng mas malaking pagpapahalaga ang mga magsasakang Pilipino kaysa sa mga importers.
“We are k*lling the local industry. Why import strawberries and carrots when we have strawberries and carrots here? I think your commitment to your fellow Filipinos should be more important than your commitment with importers,” tanong niya sa BPI officials na imbitado sa pagdinig na ginawa ng Senado hinggil sa sm*ggling.

Hindi tinanggap ni Senator Lacson ang paliwanag ng BPI na iba naman daw ang target market ng Korean strawberries dahil kadalasan ay ibinebenta raw ang mga iyon sa mga high-end retail outlets.
Ipinunto naman ni Agot Balanoy, ang public relations officer ng “League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas” na misdeclared ang mga imported strawberries mula sa South Korea dahil idineklara umano ang mga iyon bilang ornamental plants.
Aniya, hindi ornamental plants ang strawberry. Paliwanag niya, ang misdeclaration ay isang uri ng sm*ggling.
Bukod pa raw sa negatibong epekto ng importasyon ng strawberries at carrots, pinangangambahan pa nila na magpasok ng peste ang mga iyon dahil sa kakulangan o kawalan ng pest risk analysis sa mga borders ng bansa.

Image from Carousel
“Ang worry dito ng mga taga-La Trinidad, hindi lang ang influx ng smuggled agricultural products. ‘Pag napasukan pa ng peste, ‘yan pa isang concern kasi hindi dumadaan sa inspection,” sabi ni Sen. Lacson sa hearing.
Ang nakaiinsulto pa umano ay isinasabay pa sa panahon ng strawberry sa bansa ang importasyon ng Korean strawberries.