Walang kaduda-dudang isang napakagaling na artista ni John Arcilla.
Patunay dito ang napakaraming awards at nominasyon na tinanggap niya mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa Pilipinas. Noon ngang 2013 ay nominado siya bilang Best Supporting Actor sa 16th British Independent Film Awards.

Image from John Arcilla
At ngayong taon naman ay siya ang tumanggap ng Volpi Cup for Best Actor mula sa Venice Film Festival para sa pagganap niya sa pelikulang “On The Job: The Missing Eight.”
Mas lalong lumaki ang pangalan niya sa local showbiz dahil sa pagganap niya sa starring role na “Heneral Luna.”
Pero lingid sa kaalaman ng marami niyang tagahanga, si John Arcilla ay isa rin palang mahusay na mang-aawit.
Nagulat ang mga nakapanood ng ABS-CBN Christmas Special 2021 nang mapanood nila si John na bumibirit ng Broadway medley kasama ang ilan sa mga bigating singer ng bansa.
Kasama ni Nyoy Volante, ang tinaguriang King of Philippine acoustic Pop, ay kinanta ni John ang “Music of the Night” mula sa popular na musical na “Phantom of the Opera.”
Nakipagsabayan rin siya sa mga sikat na singers sa pag-awit ng “Corner of the Sky” mula sa 1972 musical na “Pippin.”
Ilan sa mga established singers na kasama niya sa entablado ay sina Jed Madela, Morissette, Klarisse de Guzman, Joanna Ampil, Jett Pangan, Isay Alvarez, Robert Seña, Rachel Alejandro, Jamie Rivera, Lara Maigue, at Jason Dy.

Screenshot from ABS-CBN video
Ang ikinagulat ng mga nakapanood ay ang husay ni John Arcilla na kayang-kaya raw makipagsabayan sa tulad ni Jed Madela at Morissette na kilalang biritero at biritera.
Narito ang komento ng mga natuwang fans ni “Heneral Luna:”
“John Arcilla is amazing. It’s my first to watch him singing. Great voice and performance!”
“Galing pala ni Heneral Luna kumanta!”
“So beautiful performance, especially John Arcilla. Hindi lang siya good actor, good singer din. Iba talaga mga Kapamilya.”

Screenshot from ABS-CBN video
O baka hindi mo pa napanood: