Locsin bumuwelta kay Duque: “Don’t ever question my motives”

Muling nabuhay ang iringan sa pagitan nina Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin at Health Sec. Francisco Duque III matapos ang diumano’y ‘panibagong kapalpakan’ ng kalihim ng DOH hinggil sa pagbili ng hiringgilya.

Nag-ugat ito sa tweet ni Locsin na nagsabing “we dropped the ball again” dahil naunsiyami raw ang isang kontrata sa pagbili ng Pinas ng 50 milyong syringe mula sa isang banyagang kompanya.

Screenshot mula sa Twitter

Pinabulaanan naman ito ni Duque at sinabing pawang kasinungalingan ang paratang ni Locsin sapagkat ang supplier mismo ang umatras sa kontrata nang malamang hindi ito pasok sa approved budget ng DOH.

BASAHIN: ‘We dropped the ball again?’ Duque pumalag sa paratang ni Locsin

“Hindi totoo ‘yan. Ang gusto ni Locsin, sumunod kami sa gusto nung supplier na presyo. Ay hindi naman pwede ‘yun. Hindi naman kami g*go para gawin ‘yun,” giit ni Locsin sa isang panayam sa radio nitong Lunes.

Don’t ever question my motives

May sagot naman agad dito ang kalihim ng DFA. Ani Locsin sa isang tweet, “Hindi, just respond to the offer professionally on the right not junior level; say no and explain why. The offeror answered back devastatingly. Don’t ever, Duque, ever, question my motives.”

Screenshot mula sa Twitter

Ibinulgar din ng DFA chief na tiniyak sa kaniya na aayusin ito ng gobyerno ‘professionally’ at hindi sa pamamagitan ng pakiusap o patago-tago.

“I was assured it was being handled professionally and would be disposed of on a factual basis and not by pakiusap or tago-ng-tago. It was given to junior staff. Kasi tayo ay sa parehong administrasyon, ayaw ko mababuy ang reputation ng PRRD admin. Walang kasamahan sa kababuyan,” patuloy ni Locsin.

Screenshot mula sa Twitter

Malakanyang namagitan na

Kaugnay dito, namagitan na ang Malakanyang sa hidwaan ng dalawang mataas na opisyal.

Sa virtual presscon ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles nitong Martes, Disyembre 14, ibinahagi nito na nakarating na ang usapin sa Office of the President.

Ganunpaman, hindi pa umano ito napag-uusapan at nangako si Nograles na magbibigay ng update sa isyu sa mga susunod na pagkakataon.

Post a Comment

Previous Post Next Post