Lumang face shield ginawang Christmas tree

Sino’ng mag-aakala na ang face shield ay puwedeng gawing Christmas decor?

Nang magsimulang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay unti-unti na ring nagluwag ang gobyerno sa mga ipinatutupad na health protocols. 

Nitong Nobyembre nga lang ay idineklarang hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Imahe mula sa Facebook | Bayani Isagani Panuncillon

Kung ang ilan ay masayang nagpaalam sa kanilang mga face shield, ang taga-Davao City na si Bayani Isagani Panuncillon, sa halip na itapon ang mga naipong face shield mula sa madalas na pagpasok sa trabaho ay nakaisip ng paraan upang mapakinabangan ito.

Kuwento ni Bayani sa isang panayam sa Philippine Star, Oktubre pa lamang ay nagsimula na siyang gawin ang kaniyang “pandemic Christmas tree” gamit ang mga lumang face shield.

“Nung naibalita na pwede nang walang face shield, sabi ko paano ‘tong mga face shield? Tapos naisip ko na lang bigla na gawin ko siyang Christmas tree,” dagdag pa ni Bayani.

Imahe mula sa Facebook | Bayani Isagani Panuncillon

Umabot sa 15 face shields ang kaniyang ginamit na nilagyan pa niya ng Christmas balls, lights, at artificial flowers upang maging makulay ito. Samantala, isang recyclable bottle naman ang nagsilbi nitong stand.

Gumastos ng P350 si Bayani sa nabuo niyang “pandemic Christmas tree” na ikinatuwa naman ng kaniyang mga anak dahil sa kumukutitap nitong mga ilaw.

“Sobrang hilig din kasi ng mga anak ko ‘yung mga lights kaya binuo ko,” ani Bayani.

Maging ang mga kapitbahay ni Bayani ay natuwa sa kaniyang ideya. “Ayun, ‘yong mga kapitbahay ko po, na-amaze sila, pati yung mga anak ko. Lalong-lalo na ‘yong mga bata. Tuwang tuwa po sila tuwing pinapailaw na,” pagbabahagi pa ni Bayani.

Imahe mula sa Facebook | Bayani Isagani Panuncillon

Una nang ipinaalala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag munang itapon ang face shields dahil maaari pa itong muling kailanganin sa hinaharap.

Based on our (assessment) there is nothing to be alarmed of because while we hope that COVID-19 will not worsen in the future, there is still a thinking that (the face shields) would still be used again in the future,” ani DENR Undersecretary Benny Antiporda ayon sa Philippine Daily Inquirer.

Post a Comment

Previous Post Next Post