Magiging mas masaya pa ang Pasko ng humigit-kumulang 900 senior citizens ng Barangay San Antonio (BSA), Pasig City dahil bukod sa natanggap nila galing sa city government, may makukuha pa silang Christmas cash gifts mula sa kanilang barangay.

Imahe mula sa Barangay San Antonio, Pasig
Ayon kay BSA Chairman Raymond Lising, matatanggap ng senior citizens ang cash gifts mula sa seguridad ng kani-kanilang tahanan dahil ipamimigay ang mga ito sa pamamagitan ng door-to-door delivery para matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19.
“We’ve started distributing the P500 Christmas cash gift of our senior citizens on December 15, and we are targeting to distribute all the cash gifts in seven days. For their safety, since there is still pandemic, we are delivering the cash gifts right at their door step. Safety protocols will be strictly imposed in the distribution,” saad ni Lising tungkol sa programa na kanila raw “little way of thanking senior citizens and making them feel special during the Christmas Season.”
Wika ng barangay leader, minabuti na raw nilang magpadala ng pera sa halip na grocery items para mabigyan ng kalayaan ang senior citizens na bilhin ang kung anumang nais at kailangan nila sa pamamagitan ng cash gifts.
“By giving them cash gifts, we’re providing them freedom to buy what they need this Christmas Season,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Kapitan Raymond Umale Lising
May choice din ang senior citizens sa pagkuha ng kanilang Christmas cash gifts. Bukod sa door-to-door delivery, maaari rin nilang kuhanin ito sa barangay hall habang sinusunod ang minimum health and safety protocols.
Base sa tala ng barangay, karamihan sa mga elderly nila ay bakunado na at ang mga natira na lamang na hindi ay ang mga hindi nagpabakuna dahil sa “health reasons or personal beliefs.”
Samantala, tiniyak ni Lising na sa kabila ng nagaganap pa rin na COVID-19 pandemic, hindi titigil ang pamunuan ng barangay na gumawa ng paraan para iparamdam sa mga matatanda at sa lahat ng mga residente na tuloy na tuloy pa rin ang Pasko sa BSA.
“Sa ating mga lolo at lola sa BSA, nawa ay maipadama natin ang diwa ng Pasko sa panahon ng pandemya. Patuloy pa din tayo sa pag-iingat dahil sa banta ng virus. Pero hindi hadlang ang virus para makapaghatid ng saya ang BSA,” saad ng kapitan na pinuri rin kamakailan ng marami sa social media matapos mamigay ng tig-sasampung kilo ng bigas sa 7000 BSA residents.

Imahe mula sa Barangay San Antonio, Pasig