Kung si Manila Mayor Isko Moreno ang tatanungin, mas pabor siya umano na huwag nang palitan ang mukha ng kasalukuyang P1,000 bill.
Sa ginanap na flag ceremony nitong Lunes nang umaga, Disyembre 13, ibinahagi ng presidential aspirant na sinusubukan niyang makausap ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang makonsiderang muli ng ahensiya ang naunang desisyon nito.

Imahe mula sa Facebook
Bukod dito, maaari naman raw na huwag nang tanggalin ang mukha ng tatlong bayani at idagdag na lamang ang Philippine eagle sa naturang papel na pera.
“I’m trying to call the attention of the Bangko Sentral ng Pilipinas to reconsider their decision. While it is true that the eagle should be there also, but siguro pwede namang half-way yun,” ayon sa pambato ng Aksyon Demokratiko.
“Pwede naman sa kabila andun pa rin yung ating mga heroes tapos yung sa kabila yung ating national treasure, mga mahahalagang bagay o unique sa bansa natin eh andun pa rin katulad ng agila,” dagdag pa ng alkalde.

Image from Rep. Carlos Zarate
Dahil dito, maaaring panahon na umano na lumikha ng ahensiya na siyang lulutas sa mga ganitong usapin.
“I would rather have our heroes there. Kaya nga alam mo, sa totoo lang, siguro it’s high-time dahil maraming ahensya ng gobyerno, its high-time for us to create a Department of National History and Culture,” wika ni Mayor Isko.
Dagdag pa ng alkalde, wala naman daw masama kung mag-adapt sa ibang kultura, subalit hindi natin maaaring kalimutan ang ating sariling kasaysayan at mga bayani.

Imahe mula sa Wikipedia
Nabatikos ang BSP matapos maglabas ito ng bagong disenyo ng P1,000 peso bill na wala na ang mukha ng mga bayaning sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes-Escoda at Vicente Lim. Sa halip, napalitan ito ng Philippine eagle na mali pa ang spelling ng scientific name.
BASAHIN: Scientific name ng Philippine eagle sa bagong disenyo ng P1000 banknote mali ang spelling
Giit naman ng BSP, ang naturang disenyo na lumabas sa publiko ay isang sample lamang at naitama na ito. Hindi pa rin daw ito ang pinal na disenyo at psoibleng mabago pa.