Nagdesisyong magpahinga muna sa social media si Jewel Fatima Avejade Mische-Kurzer na mas kilala bilang si Jewel Mische; dating modelo at bahagi ng showbiz industry.
“I’ll be signing off of Instagram for a while.. Will occasionally sign on with an update on life. I want to savor these days with my newborn and be as hands-free as I can be for my family and soak up moments with them,” aniya sa kanyang pinned post sa sharing app.

Ang 31-anyos na former Ultimate Sweetheart ng StarStruck na naka-base ngayon sa USA ay nagsilang ng kanilang ikatlong anak ng asawa niyang si Alister Kurzer nitong Nobyembre lamang ng kasalukuyang taon. Noong 2018 at 2020 naman sila biniyayaan ng panganay at ikawalang anak na babae rin. ‘Ika nga, her hands are full pagkat nakatutok siya sa lumalaki nilang pamilya.
Sa kanyang mensahe ng ‘pamamaalam’ ay ipinabatid din niya sa kanyang 20K followers na ayaw niyang ma-miss si Jesus ngayon Disyembre. “I also don’t want to miss Jesus this December. I want this December to revolve around Him. The reality is Christmas can often become a time of significant distraction and unnecessary busyness. I need to take a step back to breathe, pray, reevaluate, and tune my ears to the Lord.”
Naroon pa rin naman ang kanyang ‘pagpapakalma’ sa mga nakasubaybay sa kanyang mga posts. Siya’y nagpasalamat sa kanila at magpaparamdam pa rin naman daw siya sa Pasko at saka muling pansamantalang magpapaalam. “Grateful for you, friends! I’ll ‘see’ you around Christmas then head back out!”

Imahe via Instagram
Marami namang nakaunawa sa kanyang ginawang pagsa-sign off, ngunit may mga humiling na huwag siyang mag-deactivate. Inspiring kasi ang kanyang mga ibinabahagi kaya’t hindi nakapagtatakang may mga nakaabang sa kanyang mga ipino-post.
“Kindly don’t deactivate your account, dear angel, sign off lang po please. I wanna feel inspired every week by reading and viewing your old posts…”
“Merry Christmas in advance Ms. Jewel. Thanks for sharing your beautiful life to people You are a good inspiration to many.”
Si Jewel at ang Amerikano niyang asawa na si Alister ay ikinasal noong 2015. July 2018 nang dumating sa kanilang buhay si Aislah Rose, ang panganay. Sunod namang dumating sa kanilang buhay si Emerald Jade at Yzbel Quinn.

Imahe via Instagram
Sa isang naunang post ay nai-share din ng dating Kapamilya star ang mga challenges na kaakibat ng pagiging ina at maybahay.
“This mama is feeling really drowsy lately. (sleepy emoji) I try to not use my phone when the kids are awake, and then every time I get the chance to make a post I fall asleep!! (This post was ‘due’ over 2 weeks ago) —I appreciate your prayers as the Lord leads you.. pray for my tired body and strength these several weeks with little-to-no sleep, pray for @KurzerAlex as he handles my postpartum hormones (for real, though!) and takes care of all of us, pray for Aislah & Emerald continuous smooth transition to being ‘big’ and ‘big big’ sisters.
“BTW, if you too find yourself saying ‘why is it so hard…’ know that sometimes it is. And sometimes that thing is a much bigger deal than a photo. I want you to know that you’re seen & you’ve never been the only one to say “why is it so hard?
“You’re not alone. Much love to you precious brothers and sisters in Christ, Jewel.”