Ogie Diaz ipinaalala ang tunay na tungkulin ng mga ninong at ninang

Marami ang naka-relate sa paalala ni Ogie Diaz tungkol sa tunay na tungkulin ng mga ninong at ninang lalo na ngayong Pasko.

Imahe mula sa Instagram | Ogie Diaz

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Ogie ang mensaheng natanggap mula sa kaniyang kumare. “Sabi ng isang kumare na hindi ko naman ka-close (kaya hindi ko rin inatenan ang binyag), ‘wag daw akong aalis ng bahay sa Pasko dahil pupunta sila ng inaanak ko at mamamasko sila,” panimula niya.

“Sila rin ‘yong isa lang ang inaanak mo pero pati pinsan, kapitbahay, bitbit, Tapos nakasimangot pa sila pag binigyan mo ng Christmas souvenir. Gusto nila, may kasamang pera,” dagdag niya pa.

Mataas din daw ang expectations ng mga namamasko sa kaniya dahil isa siyang artista. “Binigyan mo pa rin kahit surprise guests lang sila. May maririnig ka, bubulong pa ng ‘Ito lang? Sana pala di na tayo sumama.’ Ano ‘to? Parang kasalanan ko pa na sumama sila?”

Imahe mula sa Instagram | Ogie Diaz

Bagama’t naniniwala rin siyang para sa mga bata ang Pasko, hindi raw sila dapat palakihin na iniisip na kailangan nilang “kumita” tuwing Pakso.

“Ang Pasko ay totoo namang araw ng mga bata ‘yan. Pagbibigayan.  Lalo na kung nakakaluwag-luwag ka, share your blessings. Pero ‘yong ipamulat mo sa mga anak mo na ‘kailangan kayong kumita pag Pasko,’ ay hello!” sabi niya pa.

Ito raw ang dahilan kung bakit sa halip na kumuha ng mga ninong at ninang base sa estado sa buhay, dapat ay mas isaalang-alang kung kaya ba nilang tumayong pangalawang magulang ng iyong anak.

Imahe mula sa Instagram | Ogie Diaz

“Una sa lahat, kung kukuha kayong ng ninong at ninang ng anak nyo, dapat mga ka-close ninyo at alam n’yong maaasahan n’yo pag nawala kayo sa mundo. Siya nga ang pangalawang magulang, ‘di ba? Kasi kaya mong ipagkatiwala ang anak mo sa kanya or sa oras na kailangan ng payo o gabay ng bata at di na nakikinig sa magulang, andiyan si ninong o si ninang,” paliwanag niya.

“Yung kinamulatan natin nung araw na ginagawang hanapbuhay ang Pasko, ipahinga na natin, dahil masa-shoutout lang kayo sa social media pag OA na ang paghingi ng aginaldo.”

Korek!

Post a Comment

Previous Post Next Post