K Brosas nanawagan na ‘wag na munang magpa-refund ng cancelled booking sa Siargao

Umapela ang singer-host na si K Brosas sa mga nagpa-book sa ilang resort sa Siargao subalit nakansela, na ‘wag na munang magpa-refund ng kanilang binayaran.

Isa ang Siargao sa matinding tinamaan ng bagyong Odette noong nakaraang linggo kung saan halos apektado ang lahat ng mga residente, lalo na ang mga resorts na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.

Screenshot mula sa Twitter| K Brosas

Kuwento ng comedienne-host sa kaniyang Twitter post, dapat ay sa Siargao siya nakatakdang mag-celebrate ng New Year kasama ang kaniyang pamilya subalit tiyak na malabo na itong mangyari.

Bayad na rin umano ang lahat at sinubukan pa niyang kontakin ang resort matapos ang hagupit ng bagyo.

“Dapat sa Siargao kami ng anak ko mag new year, bayad na lahat.. pero sobrang nakaka sad mga kaganapan,” ani K Brosas sa kaniyang tweet.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“Nag email ako at txt sa resort para kamustahin, 3 days ng di sumasagot.. wala kc siguro kuryente at signal,” dagdag pa niya.

Dahil dito, nanawagan ang singer na sana ay huwag na munang magpakansela ng kanilang booking ang mga apektadong guest.

“Sana wag muna tayo magpa refund lalo na sa maliliit na resorts…” wika pa nito.

Ayon pa kay K, sana raw ay tumulong na lang tayo sa kahit anong paraan.

Screenshot mula sa Twitter| K Brosas

“Dahil sa devastation na nangyari, kelangan nila yon para maka bangon.. wag na muna natin isipin na di natuloy bakasyon… tumulong na lang tayo sa kahit anong paraan,” patuloy na tweet ng komedyante.

Ibinahagi rin ni K na sa Bravo Resort dapat sila tutuloy ngayong Bagong Taon at sana raw ligtas ang mga staff nito kasama na rin ang lahat ng naapektuhan ng bagyo.

Kuwento pa ni K sa isang hiwalay na tweet, may kakilala siyang ‘bad trip’ dahil nasira nga ang kanilang bakasyon at nais magpa-refund ng kanilang binayad.

Screenshot mula sa Twitter| K Brosas

“Tehhh ikaw nasira lang plano mo sila nasira ang mga bahay at kabuhayan,” anito.

Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa apela ni K dahil unawa, tulong at pagmamahal ang mas kailangan umano ngayon ng mga taga-Siargao at tiyak na matatagalan pa bago sila muling makabangon sa pagkakalugmok dahil kay ‘Odette’.

Post a Comment

Previous Post Next Post