Ipinagtanggol ni dating Presidential Spokesperson at ngayon ay senatorial aspirant Atty. Harry Roque si dating Senador Bongbong Marcos na tumatakbo ngayon bilang kandidato sa pagkapangulo.
Ayon kay Roque, naniniwala siyang ‘hindi masamang tao’ si Bongbong at wala rin umano siyang makitang dahilan para mag-apologize ito sa kasalanan ng kaniyang yumaong amang si dating President Ferdinand Marcos.

Imahe mula sa Facebook| Harry Roque
“You cannot attribute the sins of the father to the son. I see no reason for him to apologize given he was 15 when martial law was declared. I don’t want anyone to ask me to apologize for things that my parents did when I was 15,” ani Roque sa isang panayam ng ABS-CBN News.
Ganun pa man, mas makabubuti pa rin umano para kay Bongbong na humingi ito ng paumanhin subalit depende pa rin ito sa kagustuhan ng anak ng dating diktador.
“It is up to him if he wants to apologize, it would be better but it’s not something I would insist upon because that’s not in the nature of an apology,” ani Roque.

Imahe mula sa Fscebook| Harry Roque
Humanga rin ang dating Malacanang official sa pagkatao ni Marcos Jr., dahil ibang-iba umano ito sa tingin ng publiko sa kaniya.
“He’s very unassuming, very humble, and I guess from a personal level, I don’t think he is the evil person that I portrayed the dictatorship to be,” bahagi ni Roque. “You do have to give credit to the individual personalities of the public figures.”
Si Roque ay isang human-rights lawyer na noon ay sinuportahan ang pagbibigay ng indemnification para sa mga naging biktima ng martial law sa ilalim ng pamumuno ng nakatatandang Marcos.

Imahe mula sa The New York Times
Subalit nilinaw nito na hindi kasali si Bongbong sa mga naging kaso laban sa pamilya Marcos na may kaugnayan sa mga ‘ill-gotten wealth’ dahil ang mga magulang lamang nito ang nakasaad umano sa mga dokumento.
Si Roque ay tumatakbong senador at isa ito sa mga in-adopt ng partido ni Bongbong. Nauna nang sinabi ng dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na maliban kay Marcos ay wala nang nais mag-adopt sa kaniya para sa kanilang senatorial lineup.