Mabilis talaga ang takbo ng panahon. Parang kailan lang noong unang napanood si Kendra Kramer sa advertisement ng Nestle Nesfruta powdered juice drink noong siya ay six years old pa lang at sa Moringa herbal shampoo kasama ang kanyang ina at nakababatang kapatid na si Scarlett.

Screenshot from Moringa Herbal Shampoo video
Si Kendra ang panganay sa tatlong anak ng dating Philippine Basketball Association player na si Doug Kramer at ni Cheska Garcia-Kramer, na isa sa mga aktres sa Pilipinas na may pinakamagandang mukha.
Twelve years old na ngayon ang batang si Kendra at lumalaki itong napakaganda, na ayon sa marami ay kamukha ng kanyang inang si Cheska.
Usap-usapan ngayon si Kendra sa social media dahil sa post niya sa Instagram limang araw pa lang ang nakalilipas.
Nag-upload siya ng ilang selfie kung saan makikitang nakatali ang kanyang buhok at may natural-looking na make up.
Nakasuot siya ng oversized sweatshirt, itim na leggings at boots na hindi naman high cut.
Hindi nakaligtas sa matatalas na mga mata ng netizens ang maayos niyang kilay, nangungusap na mga mata, mamula-mulang mga pisngi at labi.
Mistulang isang manika raw ang beauty ni Kendra.

Image from Kendra Kramer’s Instagram account
Mayroon nang mahigit 56,730 likes ang Instagram post ni Kendra. Ilan sa mga nagkomento ay ang kanyang mommy Cheska at ninang na si Iya Villania.
“Love you, Kenny! I see you!!!” komento ng inang si Cheska.
“What a doll,” naman ang nasambit ng ninang niyang si Iya Villania.
Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens na humanga sa mala-manikang ganda ni Kendra:

Image from Kendra Kramer’s Instagram account
“Bat ang perfect!!! Sobrang pretty naman..,naku maliit ka pa lang sinasabi ko na talaga. ‘Pag laki neto naku.. O ayan na.”
“Rooting for this girl for Miss Universe.”
“Kenny Girl, I’ve been following you since “I want to drink wine with papa” days. And just like that, so pretty and grown up. Me was like dugyot beauty man gihapun. Hahaha.”
“So beautiful. Baby is now a lady.”

Image from Kendra Kramer’s Instagram account