Maituturing na isang tunay na star sa TikTok si Sassa Gurl na napakaraming napapasayang tao dahil sa mga patawang video niya.
Milyun-milyon ang mga views ng mga TikTok video niya na sinusundan ng mahigit 4.2 million followers.

Screenshot from Sassa Gurl’s TikTok video
Pero sa kabila ng pagiging masayahin ni Sassa Gurl ay mayroon pala siyang itinatagong sikreto; sikretong ibubunyag niya sa isang episode ng vlog ni Karen Davila.
Binisita ni Karen si Sassa Gurl sa bahay na tinitirhan nito kasama ang kanyang ina. Inamin ng TikTok influencer na hindi kanila ang malaking bahay. Sila lang ang tagabantay niyon dahil ang tunay na may-ari ay nangibang bansa.
“O ang laki ‘di ba? Ganyan. Pero ending hindi amin ‘to. Yes. Ano ‘yan…ano’ng tawag dito…dati kasi ang “press release” ko sa mga tao ‘ay, bahay namin ‘to’ …ganyan,” pagtatapat ni Sassa Gurl dahil ayaw raw niyang i-down ng mga tao.
Pero sa totoo, nanghihingi lang sila ng ulam sa mga kapitbahay dahil wala silang pera.
Kasambahay lang daw sila ng may-ari ng bahay na tinitirhan. Nagyayaman-yamanan lang daw siya at wala raw dapat makalabas na impormasyon na nakikitira lang sila sa malaking bahay.
Tinanong siya ni Karen Davila kung kailan niya inamin na hindi sila ang may-ari ng bahay at kasambahay lang sila.
“Ngayon pa lang, madam. Eto na, alam n’yo na, ganun,” natatawang pag-amin ni Sassa Gurl.

Screenshot from Karen Davila’s vlog
“Baklang Kanal” ang tawag si Sassa Gurl sa sarili niya. Lumaki siya sa squatter area at palipat-lipat ng bahay. Kasambahay ang ina at tagabantay silang dalawa ng bahay. Kulang rin ang kinikita ng dalawa kaya’t karaniwan silang walang Noche Buena at pinalilipas na lang ang Pasko. Ngayon ay pasasayahin natin sila,” sabi ni Karen Davila sa vlog niya.
Sakay ng van, dinala ni Karen Davila ang mag-ina sa isang Puregold branch kung saan nabigyan sila ng mga biyaya.
Tatlong malalaking pushcart ang ibinigay sa mag-ina na pupunuin nila ng anumang magustuhan sa loob ng sampung minuto.

Screenshot from Karen Davila’s vlog
Labis labis ang pasasalamat ni Sassa Gurl at ng kanyang ina sa Puregold, lalo na kay Karen Davila.
Sabi ni Karen, ang mga nakikita ng mga tao sa social media, celebrity man o ordinaryong tao, ang lahat ay may kanya-kanyang pinagdaraanan tulad ni Sassa Gurl.
Panoorin natin: