Street parties ngayong Pasko mas safe kaysa indoor parties - DOH

Hindi ipinagbabawal ng pamahalaan ang pagsasagawa ng street parties ngayong kapaskuhan, subalit nilinaw nito na dapat ay may basbas ito ng local government units (LGU).

Ipinahayag ng Palasyo sa pamamagitan ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na dapat magpaalam sa LGU ang mga gustong magdaos ng street parties.

Image from MMDA

Ito ay upang matiyak na ang mga events ay mamo-monitor at ang health protocols ay hindi malalabag.

Ang Department of Health (DOH) naman ay nagpahayag ng pagsang-ayon sa pagsasagawa ng street o outdoor parties dahil mas ligtas daw iyon kaysa sa mga indoor parties.

“So as long as kaya ng ating local authorities o nung organizers, no, to make sure that happens na ma-enforce ‘yung guidelines na ‘yun, puwede, no?” ayon kay DOH Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Ho.

Kung hindi raw kaya ng LGU na magpatupad ng mga guidelines ay huwag na raw pag-isipan pa na magdaos ng party.

“Pero kung wala tayong kapasidad to enforce those guidelines, sabi nga ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, we have to be equally accountable. Then hindi natin dapat pag-isipan pa any of these parties,” ani Dr. Ho.

Image from DOH

Para sa mas ligtas na pagdiriwang ng Pasko, nanawagan si Dr. Ho sa mga party organizers na dapat ang mga fully-vaccinated lang ang puwede sa indoor parties at hanggang 50% lang ng venue capacity ang papayagan sa Alert level 2 areas.

“We encourage everyone to conduct their activities, their reunions, or gatherings in outdoor areas, no? As much as possible, we need to avoid indoor settings with poor ventilation,” aniya.

Ang pakiusap niya sa publiko ay huwag  mag-aalis ng face mask maliban na lang kapag kumakain. Ugaliin din umano ang pagpapanatili ng social distancing.

Kung may nararamdamang mga sintomas, huwag na raw um-attend ng mga party.

“When we are symptomatic, huwag po tayo pumunta sa mga party. If you don’t feel well, please be considerate of other people,” pakiusap ng DOH official.

Image from ABS-CBN

Post a Comment

Previous Post Next Post