Syrian-Pinoy Basel Manadil ibinahagi ang "Best Moments of My 2021"

“Helping All FILIPINOS one at a time!”  Ito ang pinaka-layunin ng isang Syrian-Pinoy na YouTube vlogger na mas unang nakilala bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”.

Siya si Basel Manadil, 28-anyos na vlogger at content creator. Nakilala siya bilang isang dayuhan mula sa Syria na may positibong pananaw sa Pilipinas at mga Filipino. Itinuturing na niyang tahanan ang bansa dahil sa mga naranasan niyang kabutihan dito. Naaprubahan ang kanyang Filipino citizenship via naturalization taong 2019.

Kapwa Syrian ang kanyang ama’t ina. Noong 2013, sa kasagsagan ng gulo sa kanilang bansa ay napilitan ang kanyang pamilya na lumikas upang matakasan ang kapahamakan. Napatungo sa Lebanon ang kanyang mga magulang kasama ang kanyang kapatid na babae at alagang aso. Siya naman ay nakarating sa Pilipinas at nakapag-aral ng Computer Engineering sa University of Perpetual Help at nakapagtapos.

Disyembre 2016 nang maisipan niyang bumuo ng YouTube channel. Humakot siya ng atensyon noong Hulyo 2019 dahil sa isang video na ginawa niya kaugnay sa bansa at sa ekonomiya nito. Dahil sumikat ang kanyang kuwento ay nabansagan siyang “adopted son of the Philippines”.

Noong Mayo 2018 ay ibinahagi niya sa kaniyang friends at followers ang lahat ng tungkol sa kanya sa pamamagitan ng isang video. “FINALLY the wait is over and as promised, today you’ll know everything about me. Who am I? and why am I in the Philippines?” 

Umabot na sa 4.67 million ang kanyang subscribers sa isang channel pa lamang sa YouTube.

Higit siyang nakilala dahil sa kanyang mga kuwentong kabayanihan — pagbibigay ng relief goods sa mga biktima ng natural disasters, gaya ng isanlibong blankets sa mga biktima ng malakas na pagyanig sa Cotabato taong 2019, sa paghahanda ng pagkain para sa mga taong naapektuhan noong 2020 Taal Volcano eruption at marami pang iba. Napakasaya niya na nakapaghahatid siya ng pag-asa at nakatutulong sa mga tao.

Si Basel ay nakapagbigay ng trabaho sa maraming Pinoy dahil sa mga itinayo niyang negosyo. Kabilang na dito ang tatlong branches ng kanyang YOLO Retro Diner — sa Naga Road Pulang Lupa 1, Las Piñas; San Antonio Valley Talon 1, Las Piñas at sa Door B, Burgos Bldng Zapote 1, Bacoor.

At kamakailan ay ibinahagi naman niya ang mga itinuturing niyang “Best moments” ng kanyang 2021 sa pamamagitan ng isang Facebook video.

Aniya, “There is no greater gift you can give or receive than to honour your calling. It’s why you were born. And how you become most truly alive.
Just a rewind of our year mga tao, didnt include all video since it will be a very long one.  (angel emoji)  Our job on earth isn’t to criticize, reject, or judge. Our purpose is to offer a helping hand, compassion, and mercy. We are to do unto others as we hope they would do unto us.

Paying it forward is not always done with money, sometimes it is done with your graciousness, your time, or even a sincere “good morning mga tao” to a stranger.

Good things happen to good people. Spreading positivity!  (heart emoji)

Tunay siyang kahanga-hanga kaya’t hindi nakapagtataka na mayroon ding mga Pinoy na nagsikap na pasayahin siya noong kaarawan niya.

Samantala, narito ang YouTube upload ng kanyang Best Moment of 2021:

Basahin: Dahil sa mahusay na performance, niregaluhan ang isang empleyado ng latest na modelo ng laptop

Post a Comment

Previous Post Next Post