Thai actor Nonkul Chanon nais makasama sa isang proyekto si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera

May rebelasyon si Nonkul Chanon, ang star ng Thai thriller series na “Bad Genius”.  Aniya, nais niyang makasama sa isang proyekto si Marian Rivera!

Screenshot of video / YouTube

Inamin niya na hinahangaan niya ang husay sa pag-arte ng Kapuso Primetime Queen. Ito ay napanood ng marami kung saan ay nagkaroon ng online media conference kamakailan, kabilang si  Nonkul Chanon at ang mga kapwa kilalang heartthrobs na sina Mario Maurer at Gulf Thanawut.

Noong Mayo ay ipinakilala ang tatlo bilang brand ambassadors para sa local telecommunications service provider na TNT sa ilalim ng new campaign na “Kilig Saya”.

 

Bukas umano ang Thai actors na sina Maurer, Chanon at Kanawut na makatrabaho ang Filipino artists. Ngunit si Nonkul Chanon, prangka niyang inihayag na interesado siya na makatrabaho si Marian Rivera.

Napanood niya umano ang mga naging pagtatanghal ng aktres sa mga shows nito na ipinalabas sa bansang Thailand. Labis siyang humanga sa husay umarte ni Marian kaya’t pumasok sa kanyang isipan ang pagnanais na makatrabaho ito.

 

Sa conference na naganap ay binanggit din ng Thai actor na hindi niya malilimutan ang hilig ng mga Pinoy sa pagkanta. May inaral pa nga raw itong isang awitin at nagbigay pa ng sampol, ang “Pasko na, Sinta Ko.”

Nagpasalamat ang tatlong aktor sa suporta ng mga Pinoy fans kaya naman anila’y ‘looking forward’ silang makadalaw sa bansa.

Kumusta naman kaya ang reaksyon dito ni Marian? Pagbibigyan kaya niya ang hiling ni Nonkul na makasama siya sa isang proyekto?

Remains to be seen.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post