Usap-usapan na sa mundo ng showbiz na magtatambal sa teleserye sina Ivana Alawi at Gerald Anderson. Naging talk of the town tuloy na ang GF ng aktor na si Julia Barretto ay tila dapat nang ‘kabahan’.
Ito ay matapos mag-post ni Ivana sa photo-sharing platform na Instagram ng isang maganda niyang larawan na may caption na: “New teleserye soon”. May kalakip pa itong heart emoticons na sumisimbolo sa kulay ng Kapamilya Network.

Ang itinanghal na Top YouTube PH content creator ng 2021 ay matagal na palang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at nakatakda talagang gumawa ng teleserye sa Kapamilya Network ngunit ito ay nabibinbin dahil sa mga pagsubok nitong panahon ng pandemya. ‘Ang Lihim ng Ligaya’ ang napabalitang unang teleserye sana ng aktres.
Lalong umugong ang balitang matutuloy na ang teleserye ni Ivana nang makasama niya sina Gerald Anderson at Sam Milby sa isang song number sa ABS-CBN Kapamilya Christmas Special. Sama-sama nilang kinanta ang awiting ‘Imahe’. Isang pasilip na ba ito sa 2022 series?
At kahit wala pang pormal na anunsyo o kompirmasyon mula sa nabanggit na network, matunog na ang ‘GerVana’ love team para sa taong 2022.

May mga nagbiro na rin na ‘kabahan’ na raw si Julia Barretto, ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald. Si Julia ay may upcoming project naman katambal si Carlo Aquino. Ang dalawa ang gaganap sa lead roles sa pelikulang “Expensive Candy,” na sinulat at ididirihe ni Jason Paul Laxamana.
Biro ng ilang fans kay Julia: “Naku eto na talaga! Julia jusko huwag kang magkakape huh baka kabahan ka.”
“Goodluck sa’yo Julia, ang ganda at sexy pa naman ni Ivana.”

Imahe via Instagram
Nagpahiwatig-biro at paalala naman ang iba kay Ivana dahil naging kontrobersyal ang lovelife ng simpatiko at gwapong si Gerald. “Naku Ivana, huwag na huwag kang papabudol kay Budoy ha? Kapit lang!”
Samantala, kasisimula pa lamang ng romantic-comedy series na “Hello Heart” nina Gerald Anderson at ng singer na si Gigi De Lana nitong Dec. 15. Kinakiligan na ng mga followers ang una at ikalawang episode nito.
Ayon kay Gerald, smooth and easy katrabaho si Gigi. “All you can do is to make her comfortable as possible and let the rest happen. Nag-enjoy lang kami. We feel like we made magic.”
