Winwyn Marquez kinumpirma ang pagbubuntis

Kinumpirma ng aktres at Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez na nagdadalantao siya.

Sa pamamagitan ng isang vlog ay ipinaliwanag ni Winwyn kung bakit kinailangan niyang pansamantalang magpahinga mula sa showbiz.

Imahe mula sa YouTube | Winwyn Marquez

“I know it’s been a while. Di ko alam kung napansin n’yo but I took a break for some time. Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin dun of course ‘yong health reasons,” sabi ni Winwyn sa five-minute video na ibinahagi niya sa YouTube

“I made this video para i-explain what happened to me and I just want to show it in the form of a clip para ma-explain na rin sa inyo.”

Kasunod nito ay ipinakita niya ang mga video ng pagpunta sa doktor kasama ang kaniyang partner at ang reaksyon ng kaniyang mga mahal sa buhay tungkol sa balitang ito.

Imahe mula sa YouTube | Winwyn Marquez

Kapwa naging emosyonal ang kaniyang mommy na si Alma Moreno at daddy na si Joey Marquez.

“There it is. I am so happy. Me and my partner are both so happy, my family, everyone, super saya namin and we, me and my partner, decided to share this wonderful news sa inyo,” sabi pa niya.

Ang pagbubuntis niya rin daw ang pinakamagandang regalo na natanggap nila ng kaniyang partner ngayong Pasko. “We’re so happy. We’re over the moon and I am so excited for this part of our life and for this chapter to start.”

Imahe mula sa Instagram | Winwyn Marquez

Humingi rin si Winwyn ng pang-unawa kung hindi niya pa maibabahagi ang lahat ng detalye tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

“I may not share much information about my pregnancy yet as I still want to keep some things private for us and I hope you understand,” ani Winwyn.

Hiling din ni Winwyn ang panalangin para sa kanilang maliit na pamilya.

“I am excited that in a few months, we will meet our little baby. Please pray for our little family and pray that everything will be safe.”

Bumuhos ang masayang pagbati ng netizens sa kanyang new journey.

Panoorin ang kaniyang vlog:

Post a Comment

Previous Post Next Post